Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 8: SCANDAL WITHIN THE EMPIRE



Abala si Chairman Zhi sa pagpirma ng mga dokumento at papeles na kailangan ng kanilang kumpanya para sa darating na BOD meeting. Kalmado lang ang matanda sa kanyang upuan habang pinakikinggan ang malumanay na tugtugin sa loob ng kanyang opisina. Nabulabog lang ito nang agad na pumasok ang kanyang secretary at balisang humarap sa kanya.

"What is the problem?" tanong ng matanda matapos niyang tingnan ang hinihingal pang binata.

"Sir, nagkakagulo po sa ibaba. Andoon po kasi ang mga journalists at nagpupumilit na pumasok sa company building."

Dahil dito, agad na napatayo si Mr. Zhi at kinuha ang kanyang smartphone sa lamesa.

"Asaan si Vrix?" nakaekis na ang kilay ng matanda sa mga sandaling iyon.

"Hindi po namin siya mahagilap sa ngayon. We think po kasi na maybe he has a scheduled meeting today" explain ng binata sa kanya.

Agad na tinawagan ni Mr. Zhi ang person in charge of security personnel.

"Ipatawag mo si Fabian, tell him to do something." utos nito sa kanyang secretary.

"Sige po Mr. Chairman" he bowed before umalis.

Inutusan din ng matanda ang Head ng security guards na huwag papasukin ang nagkakagulong mga journalists sa ibaba. Alam na rin kasi ng matanda na ang dahilan kung bakit atat ang mga ito na makakuha ng impormasyon ay dahil ito'y patungkol sa anak niyang si Gabriel.

Matapos nun, dali rin niyang inutusan si Wayne, isa sa mga managers nito na makipagcoordinate sa Public Relations and Communication Team ng kumpanya in order to check kung may mga misleading reports na ang kumakalat about sa kanilang kumpanya o patungkol sa kanyang anak. Gusto kasi ng matanda na as much as possible ay matago ang mga ito sa public.

"Asaan na ba kasi si Vrix? Inform him about this matter!" pagsisigaw nito sa telepono na kanyang hawak ngayon.

"Sir, your daughter...Miss Kiara is already talking to them"

Natigilan saglit ang matanda.

"What ??!" mas lalong lumakas ang boses nito nang malaman niya ang patungkol doon.

"Miss Kiara is taking action Mr. Chairman and she's talking to them na" sabi ni Fabian sa kabilang linya.

Imbis na matuwa ang matanda dahil sa ginawa ng kanyang anak, mas lalo itong nagalit dahil sa pag-aalalang baguhan pa lamang ang dalaga at baka lalo pang lumala ang sitwasyon.

"No!!! What the hell are you guys thinking? Bakit nyo ipinasa sa kanya ang trabaho ninyo? What if she may say something that will make the situation worse?!!!!"

"I_yon din po kasi ang utos ni sir Vrix kanina" takot na explain ni Fabian sa matanda.

"That Vrix!!!!"

Dahil dito, agad siyang bumaba upang tingnan ang sitwasyon at maharap ang mga journalists.

Sinundan naman siya ng kanyang PA na si Luciana at ng kanyang bodyguard.

"What do they specifically want?" tanong ni Mr. Zhi na mapaghahalataang may inis sa kanyang boses.

"Sir, gusto pong malaman ng mga journalist kung gaano daw po katotoo yung about sa anak ninyong si Gabriel na nabiktima ng scam at ano daw po ang epekto nun sa credibility ng kumpanya ninyo?" pag iinform ng PA niya knowing na haharapin ng matanda ang mga ito.

"Ano pa ang mga tanong nila?"

"Is it true daw po ba na illegitimate child mo si Gabriel?"

"Scandalmongers!" inis na nasambit ng matanda ng makapasok na sa elevator.

Nagdalawang isip tuloy na sumunod si Luciana sa loob dahil galit na galit talaga ang matanda. Alam niyang laging galit ang matanda pero ito ang pinaka! sa lahat ng iyon.

Ilang minuto ang lumipas, nasa first floor na sila ng building. Doon nga bumungad sa mata nila si Kiara na nakikipag-usap na sa mga journalists at ang iba ay abala na on taking down their notes.

Mas lalong nabahala ang matanda kasi nga, he wanted the reputation of the company to remain untarnished.

Agad siyang lumapit sa dalaga and tried to stop her not until, narinig niya ang mga sinabi nito.

"Yes! Absolutely! Our company is actively implementing corporate social responsibility initiatives. Although I'm new here, I can confidently say that we do more than just to provide quality products and services, we're deeply committed to giving back to our community whether it's through local partnerships, charitable contributions, or environmental sustainability efforts. You know, we always strive to make a positive impact. It's not just about business for us, it's about being a responsible and supportive part of our society" she said, smiling with full confidence.

Nagkatinginan ang matanda at ang kanyang Personal Assistant. Sakto rin namang lumapit sa kanila ang Secretary ng matanda.

"What's going on here Rex?" Mr. Zhi asked in a question mark expression. Hindi niya kasi alam kung bakit parang iba na ang mga sagutan ng dalaga sa mga questions ng journalists.

"Ah Sir, nagawa niya kasing idivert ang mga katanungan patungkol na sa kanya at sa mga programa ng company kaya hindi na sila nagtanong tungkol kay sir Gabriel" nakangiting bulong ng binata sa chairman.

Dahil dito, namangha ang matanda sa ginawang aksyon ng anak. Mas lalo tuloy siyang naging proud dito at mas tumatak sa kanyang isipan na gawing Presidente ang kanyang anak sa kanilang kumpanya.

"Ah Miss Zhi, di ba kasasabi niyo lang po na maraming CSR activities ang ginagawa ng kumpanya ninyo and you mentioned that you are just a newbie, can I ask.... if its okay for you... about having an experience abroad? Di ba you told us that you've studied abroad and kakauwi mo lang dito sa Pilipinas, right?" tanong nung isang babaeng journalist sa gilid niya.

"Ah..tama and about experience, hmmm..well, to be honest, I really don't have any experience on managing a business. Maybe, I'd say it's just in our blood. There's a natural drive and passion for it that comes from within. And I believe, that's all it takes to succeed—intuition and a genuine commitment to learning and growing"

Napapalakpak ang matanda dahil sa kanyang mga narinig. Para kasi siyang nanonood ng pageantry dahil sa mga sagot ng kanyang anak. At dahil dito, doon lang napansin ng dalaga ang kanyang daddy.

"Oh..I guess, it's all for today everyone. Thank you for coming here. Good day!" paalam niya sa mga kaharap with a thoughtful smile.

May itatanong pa sana sila but agad nang tumalikod ang dalaga at lumapit na sa matanda.

"Dad" sambit ng dalaga nang makaharap na si Mr. Zhi.

"You did well. Anak nga talaga kita." then he smiled.

Nagulat naman ang tatlo sa naging reaction ng matanda. Bibihira lang talaga kasi nila makitang nakangiti ang chairman at sa mga oras na iyon ay nasilayan nila ang pagkakataong iyon.

"What?" natanong ng matanda nang mapansin rin ang mga reaksyon ng kasama niya.

"Nothing dad. Well, I guess..bumalik na tayo sa ating office" nasabi na lang ng dalaga nang mauna na siyang pumasok sa elevator.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.