Chapter 7: HALF BROTHER’S TRAIL
"Ma'am, sigurado po ba kayong susundan pa rin natin si Sir Vrix? Magdadalawang oras na po kasi't mukhang malayu-layo talaga ang pupuntahan niya" reklamo ng driver ni Kiara after niyang magpasundo kay manong at sundan ang location ng tracking device na ipinakabit niya sa ilalim ng sasakyan ng kapatid.
"Just follow him Manong. I'm just curious lang kasi kung saan ba siya laging nagpupunta."
Siguro dahil na rin sa trust issues niya sa binata kaya niya iyon naisipang gawin. She's been thinking rin na baka may tinatago itong hindi alam ng pamilya niya na gusto niyang maisiwalat.
"Ma'am, saan kaya papunta itong si sir?" tanong ni Manong na may pagkabahala na sapagkat ang dinadaanan ng sasakyan nila ngayon ay napapalibutan na ng matataas na talahib sa paligid. Dahil dito, mas lalong nagduda ang dalaga sa kung ano ang meroon sa lugar na ito.
"What's your business here Kuya?" bulong ng dalaga sa sarili habang pinagmamasdan ang dinadaanan ng sasakyan nila.
Ilang minuto ang lumipas, nakarating na sila sa isang Village, ngunit laking gulat nila nang maipasok ang sasakyan dito.
"Hindi po ba sira ang tracking device Ma'am? Mukhang mali tayo nang napuntahan eh" kabado nang sabi ni Manong.
Kiara checked her phone and tried to locate her brother's car through the app installed in it.
"Tama naman ang place Manong. It's just that…. it looks like matagal na itong inabandona ng mga tao." sabi nang dalaga nang mapansin ang mga bahay na nadadaanan nila. Ang mga ito ay nababalutan ng makakapal na alikabok at mga bintanang animo'y nakasilip ang anino ng nakaraan. Ang iba ay wasak wasak na, 'yung tipong parang dinaanan ng ipo-ipo. Tapos may iba namang nanatili pang nakatayo pero basag basag ang mga salamin at sira ang mga pinto. Marami ring bubog sa kalsada kaya naisipan ni Kiara na pahintuin na lang muna ang sasakyan sa gilid, sa pag-aalalang baka mabutas ang gulong ng sasakyan nila.
Bumaba ito at inilibot ang paningin sa paligid. Habang tinitingnan niya ang mga gusali, may bakas talaga ito ng dating buhay— may mga laruan na nakakalat sa lupa, mga sasakyang kinalawang na lang sa labas. Sakto rin namang humangin ng malakas kaya agad na nakaramdam ang dalaga ng goose bumps. Dala kasi ng hangin ang mga alingasngas na animo'y bulong ng mga alaalang matagal nang nalimutan.
"Kuya Vrix, what are you doing in this kind of place?" nasambit niya habang binabaybay ang kalsada na puno ng bubog at mga tuyong dahon at sanga.
"Ma'am Kiara, sigurado po ba kayo dyan? Bumalik na lang po tayo sa inyo. Hapon na po kasi at baka magabihan tayo sa daanan" alalang tanong ni Manong sa dalaga.
"Just stay there Manong and make sure na hindi mo ako isusumbong kay daddy. Just keep it a secret." sabi nang dalaga habang patuloy na naglalakad papalayo sa sasakyan nila.
Hindi mawari ng driver niya kung ano ba ang dapat gawin sapagkat siya ay sobrang nababahala na. Natatakot siyang baka may masamang mangyari sa dalaga at malalagot siya sa matanda kapag nagkataon. Ang kaso…kapag nagsumbong naman siya sa daddy nito, lagot rin siya kay Kiara.
"Ma'am! hintayin mo ako. Mas panatag ang loob ko kung masasamahan kita" agad na pagtakbo nito papalapit sa dalaga. Kahit feeling niya na maiihi na siya sa kanyang salawal dahil sa sobrang takot, mas pinili niyang siguraduhin na lang ang kaligtasan ng kanyang amo.
"Ssshh.. huwag kang masyadong maingay, baka may makarinig sa atin" bigla namang sinabi ng dalaga.
"Makarinig? sino?" medyo napaghahalataan na ang nginig sa boses ni Manong.
"Don't you think na after ng ilang years of being abandoned nitong place...… walang ibang tumira dito? Aren't you familiar with the eerie story of the Ghost Town?" pananakot ng dalaga habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
"Ay si Ma'am, nagawa pa talagang manakot." reklamo ng driver niya.
"I'm not scaring you Manong. True to life story iyon." pabulong na sabi ng dalaga.
"Ay Mama!" napasigaw si Manong ng biglang may narinig silang ingay sa loob ng bahay sa bandang kaliwa nila. Hindi lang basta kaluskos but parang may nahulog na mabigat na bagay doon.
As in silang dalawa lang ang tao sa daananan kaya kinabahan sila ng may movement na nangyari sa loob ng isa sa mga nasirang bahay. Sinubukan pang silipin ng dalaga ang loob nang pigilan siya ni Manong. Dali niya itong hinila at nagmadali na sila sa paglalakad ng dire-diretso.
Hanggang sa nagred na ang dot sa app ng cellphone ng dalaga.
"Nasa malapit lang siya" kaya agad silang nagtago sa gilid ng isang bahay.
Hinanap nila kung nasaan na ang sasakyan.
"Ayun po Ma'am" itinuro ni Manong ang Cadillac ng binata na nakapark lang sa isang garahean. At iyong bahay na iyon ang tanging maayos lang sa lahat ng andoon.
"Gotcha!" nakangiting sambit ng dalaga ng matunton ang kapatid.
Papunta na sana sila doon not until makita nilang lumabas na ang binata.
"Naku, mabibisto tayo Manong! We need to run, kailangan nating makabalik sa ating sasakyan bago niya pa ito madaanan."
Dahil dito, sa abot ng kanilang makakaya…kumuripas sila ng takbo. Buti na lang talaga at nakapang running shoes ang dalaga.
"Ma'am, hintay!" sabi ni Manong nang hingalin na sa pagtakbo.
"Manong, let's hurry up, we're in big trouble if Kuya catches us here"
The 40 year old driver forced himself to move quickly, despite not being keen on running, lalo na ngayon na he was feeling the weight of his age and growing belly.
Pero maswerte sila dahil agad silang nakaalis sa village na iyon na hindi naabutan ni Vrix dahil naflat ang gulong ng sasakyan niya. Ipasok ba naman niya sa loob kahit maraming bubog sa daanan.
"Hoo! muntikan na tayo doon Manong ah. " nakangiting sambit ng dalaga dito. Nakabalik na kasi sila sa dinaanan nilang puno ng talahib sa paligid.
"Nakakatakot talaga ang lugar na ito Ma'am, ano bang ginagawa dito ni Sir? Miyembro ba siya ng sindikato?" agad na natanong ng driver sa dalaga.
"That's what I'm going to discover, sino ka ba talaga Kuya Vrix at ano ang tinatago mong sikreto?" nasambit ng dalaga.
"Ma'am, huwag mong sabihing babalik ka ulit doon sa nayon na iyon. Isusumbong na talaga kita kay Boss Chairman" he said referring to Kiara's dad.
"Manong, kapag isinumbong mo ako kay dad…sigurado akong madadawit ka rin kasi nga magkasama tayo ngayon. Di ba?"
"Ma'am naman eh!" napakamot sa ulo si Manong while driving.
"Kaya nga Manong, just keep it a secret, okay? Basta, akong bahala sa iyo" she said without a doubt.
After ilang oras ng byahe, nakarating na rin sila sa Mansion.
Agad na lumapit sa dalaga ang kanyang mommy.
"So, how was it? Mukhang nag enjoy ka't nagabihan kayo ng uwi." nakangiting pangungumusta nito sa date nila ni George.
"Ah... saglit lang po kami nagdate ni George, may pinuntahan lang akong lugar kaya natagalan ng uwi." sabi ng dalaga matapos makaupo sa malambot nilang sofa.
"Lugar? Saan anak?" curious na tanong ng mommy Ynah niya.
"It's too far mom and I'm sure that you're not familiar with it."
Then sumandal ang dalaga sa kanyang inuupuan.
"Anak? I think, you need to take a shower na. I don't know kung saan ka galing but..you smell bad.." she said na may pandidiri sa amoy.
"Okay mom, don't worry. Magpapahinga muna ako sa kwarto ko mom then I'll take a shower na" she said at tumayo na siya.
"Hindi ka ba kakain ng dinner mo?" she asked in a soft voice. Halata mo talaga yung pagpamper niya sa dalaga.
"Bababa na lang ako mamaya if magutom na ako." then she went to her bedroom at natulog na. She's been in an adventure the whole day kaya medyo pagod talaga siya. Bagsak na bagsak ang kanyang katawan sa higaan kaya hindi na rin siya nakapagshower pa.