Chapter 9: THE APPRENTICE'S HIDDEN MASK
Sa maliit na isla ng Tabon, matahimik na namumuhay ang mga mamamayan doon.
Lingid sa kaalaman nila, kasama nilang nakakasalamuha ang kaisa-isang apprentice ng yumaong si Detective Emilio Basilio. Ang detective ay siksik sa mga kaalaman at kasanayan sa pagbabasa ng mga galak, takot, at kasinungalingan ng mga tao kaya agad na nahahanap niya ang mga pahiwatig na hindi nakikita ng iba.
Siya ang dalubhasang nagturo kay Miah ng tamang paraan ng pagsusuri at pag-iisip sa bawat kilos ng mga tao at may matalim na kakayahang tumutok sa bawat aspeto ng kasong mahirap makita.
Tama, si Miah ang una at huling apprentice ng kilalang detective sa larangan ng clandestine services.
"May bago kang kliyente." sambit ng isang lalaki na nakasuot ng Fedora habang may iniaabot na nakalukot na papel sa kanya. Nakasulat ito sa runic alphabet kaya agad itong itinago ng dalaga sa kanyang bulsa.
"Pag-iisipan ko muna." sabi ng dalaga bago tuluyang lumabas ng flower shop ang misteryosong lalaki.
"Miah..." napapitlag ang dalaga dahil sa gulat nito nang biglang magsalita mula sa kanyang likuran si Tobias.
"Butiki! Ginulat mo naman ako sir." sambit ng dalaga sa binata.
"Sino ba kasi iyon? Anong sinasabi niyang kliyente?" pagtatakang tanong ng binata habang kinakapa ang upuan sa gilid.
"Ah...kanina pa po kayo dyan sir?"
Tumango naman ang binata sa kanya.
"K_kliyente po natin sir, may gusto daw po kasing mag order ng Carnation na mga bulaklak" pagsisinungaling ng dalaga.
Tahimik lang na nakikinig ang binata sa kanya sa mga sandaling iyon.
"At! alam niyo po ba sir na ang mga mas magagaan na pulang carnations ay madalas na ginagamit upang ipahayag ang paghanga, samantalang ang mas madidilim na pulang carnations naman ay nagpapakita ng mas malalim na damdamin ng pag-ibig at pagmamahal." dagdag ng dalaga habang nakatingin sa binata.
"Interesting! You know what? may naisip akong paraan upang mas lalo pang tumaas ang kita nitong flower shop" sabi ng binata habang nilalaru-laro niya ang stick na lagi nyang dala.
"Ano po iyon sir?" curious namang tanong ng dalaga.
" I love fun! And I know, everyone will love engaging in events and activities that attract customers while buying flowers." he said, being excited.
"Huwag niyo po sabihing nagbabalak kayong magkaroon ng flower workshop?" hula ng dalaga sa gustong ipahiwatig ng binata.
"You're right Miah, and alam kong magagawa mo iyan through your knowledge about flowers" sabi nito na puno ng pagtitiwala sa dalaga.
Dahil dito, napakamot ng ulo ang dalaga. Ibig sabihin kasi nito na madadagdagan ang kanyang iisipin lalo na't may bago siyang sideline na pinagdedesisyunan niyang tanggapin ngayon.
"Ako po ang magpapaworkshop?"
"Siyempre ako, pero ikaw ang magtuturo sa kanila patungkol sa mga bulaklak"
Hindi talaga pwedeng maubos ang oras ng dalaga dahil lang dito lalo na't kailangan niya ng mas malaking pagkakakitaan, kasi baon na sa utang ang kanyang pamilya lalo na't nakatambay na ngayon ang kanilang tatay dahil sa lagnat. Kailangan pa niyang mabilhan ito ng mga gamot dahil ilang araw na rin itong nakaratay sa higaan.
"Alam ko na sir! May maganda akong naisip...ano kaya kung magkaroon tayo ng Flowers and Music Nights." ito ang paraan na naisip ng dalaga para magkaroon siya ng pagkakataong gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin.
"Okay? Can you explain to me kung anong idea iyan" sabi ng binata.
"Simple lang sir, magkakaroon tayo ng themed music every Friday at kaakibat ng mga bulaklak na mapipili nila ay ang musika na aangkop rin sa tema. Hindi ba iyon interesting sir? Kasi kung workshops lang po kasi, ibig sabihin nun ay magpapagod tayo araw-araw di ba, hanggang sa matapos ang workshop. Di rin natin sigurado kung may interesado bang bumalik dito araw-araw kasi alam naman nating mga dayo lang rin ang lagi nating nagiging customers dito" explain ng dalaga na agad namang sinang-ayunan ng binata.
"Good thinking. I didn't know na magaling ka rin pala sa mga ganitong usapan" manghang pagpupuri ng binata sa kanya.
"Ah eh, nagkataon lang sir. Naiuugnay ko lang ang mga ideya ko sa reyalidad" sagot naman ng dalaga.
"So kung music nights, sino ang tutugtog? Siyempre mas maganda kung live nilang mapapangkinggan ang music"
"Tama ka sir, at walang ibang makakagawa nun kundi ikaw...." nakangiting sambit ng dalaga sa kanya.
Dahil dito, natigilan ang binata saglit.
"Me? Why me?" nakataas kilay na tanong nito sa dalaga.
"Alangan namang ako sir, eh di nagsialisan ang mga customers nun. Saka alam ko naman sir na maganda ang boses mo eh" nakangiti pa rin ang dalaga habang nagsasalita siya sa harapan ng binata na kabaliktaran naman sa ekspresyon ng amo niya ngayon.
"Paano mo naman nasabing maganda ang boses ko?"
"Sir, narinig kita noong isang araw sa banyo habang tumatae ka. At for me, yes ka sa akin sir!" panunukso nito.
"Nandito ka sa flower shop nun? Akala ko kasi walang tao eh" medyo nahihiyang sambit nito sa dalaga.
Manunukso ulit sana ang dalaga nang mapansin niya ang isang babae sa labas na tila kanina pa nagmamasid sa kanila.
"Ah sir, excuse me muna ha, may kukunin lang ako sa labas saglit" biglang putol nito sa kanilang usapan habang sinusundan ng tingin ang babae na dali-dali nang lumakad paalis.
Napansin kasi nitong nakatingin na sa kanya ang dalaga kaya agad itong sumibat.
"Sige..sige.." sabi naman ng binata na walang kaalam-alam sa totoong nangyayari.
"Bwiset." nasambit nung watcher nang makita niyang nakasunod na sa kanya si Miah.
"Hoy, sino ka? Anong kailangan mo?" sigaw ng dalaga nang maabutan niya ito.
"Wala. Bitawan mo ako Miss" pagpupumiglas nito nang higitin siya sa kamay ng dalaga.
"Kilala ko kayo" tapos ipinakita nito ang singsing na suot niya. Isang singsing na may hugis espada at bungo sa gitna.
"Nagkakamali ka" tapos agad na hinawi nito ang nakahawak na kamay ni Miah sa kanya at mabilis na tumakbo.
Sinubukang habulin ito ng dalaga pero hindi na niya naabutan kasi agad itong nakasakay sa itim na van.
"Anong ginagawa ng Midnight Enigma dito?" natanong ng dalaga sa sarili.
Itong misteryosong grupo kasi na ito ay huli niyang namataan sa burol ni Detective Emilio. Nagtataka lang siya sa kadahilanang lumilitaw lang ang mga ito kung may malalaking tao sila na minamanmanan.
"Teka, imposible namang ako iyon noh? Hindi kaya si sir Tob?" mahina niyang sabi sa sarili.
"Hala si ate... nababaliw na talaga. Ngayon, kinakausap mo na ang sarili mo" sambit nung bata na anak ni Aling Barbara na kararating lang sa likod niya.
"Hoy Lupin, bakit ka andito? Sinusundan mo rin ba ako?" nakapamewang na tanong ng dalaga sa bata.
"Dito kaya ang bahay ko. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Bakit mo iniwan si Kuya Tob doon?"
Doon lang naalala ng dalaga ang flower shop.
"May punto ka dun. Salamat sa pagpapaalala. Sige, mauna na ako" nagsimula na itong maglakad pabalik sa dinaanan niya.
"Ate, kumain ka rin sana kahit minsan. Masama talaga ang nagpapagutom" nasambit nito dahil sa nasaksihan niya kaninang pagsasalita ng dalaga ng mag-isa.
Hindi na nakapagreact pa ang dalaga sa sinabi nito kasi nasa malayo na siya.