Chapter 21: IDENTITY REVEAL
Binitawan ng binata si Miah nang umangal ito dahil nasasaktan na siya.
Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita.
"Just tell me who you are..." he said habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
Dahil dito, nakumbinse si Miah na sabihin ang totoo.
"Miah...Miah ang pangalan ko" mahinang sabi niya.
Dahil dito, napahawak sa noo ang binata.
"Then, where's Kiara?" tanong niya na pilit pinapakalma ang sarili.
"N_nasa Isla" kabadong sabi ng dalaga while iniisip na nabulilyaso na ang plano nilang dalawa.
"Is..she alright?" natanong ng binata na ikinagulat naman ni Miah.
Hindi niya aakalain na itatanong niya ang bagay na iyon knowing na hindi sila magkasundo.
"A_yos lang naman siya, ligtas siya doon" sagot ng dalaga na halatang puno ng katanungan ang mukha.
"Why are you doing this? I mean, anong naisipan niyo't kung anu-ano ang naisipan ninyong gawin?" tanong ulit ng binata.
Dahil dito, nanatiling tahimik ang dalaga.
"Just tell me, okay? or else..." dagdag pa ng binata na may bahid ng pananakot sa boses. Ngunit bago pa man niya maituloy ang sasabihin, biglang nagsalita ang dalaga.
"Siguro....may mga bagay na mas mabuting hindi na lang sinasabi."
Nanginginig ang boses ni Miah, halata ang pag-aalinlangan ng sabihin niya iyon.
Tila sumang-ayon naman ang binata sa naging pahayag ng dalaga.
"Tama ka... kaya mas mabuting wala kang pagsasabihan patungkol dito. Lalo na si Kiara" sabi nang binata habang pinupulot ang baril para ibalik ito sa kanyang pinagkuhanan.
"Kahit ang patungkol sa malubha mong sakit?" alalang tanong ng dalaga sa kanya.
"Don't even dare to tell them! My sufferings are my own. If I die?...then I'll die alone"
Natigilan saglit ang dalaga kasi tama nga ang kanyang hinala na may karamdaman ito.
Matapos ibalik sa lalagyan ang armas, tahimik na pinulot ni Vrix ang mga kalat habang pinagmamasdan siya ni Miah.
"Kaya pala." nabanggit ng dalaga sa isipan niya.
"Kung hindi ako nagkakamali...sinasadya mong huwag mapalapit kay Kiara" bulong ng dalaga sa sarili na tila tinatanong ang binata kahit di niya ito rinig.
"At kaya siguro mailap ka kay Kiara, kasi ayaw mong mapalapit ang loob niya sa iyo dahil iniisip mong mawawala ka rin naman sa mundo dahil sa karamdaman mo" dagdag niya.
Napapikit siya, pilit na inaalis ang hapdi sa kanyang dibdib. Ngunit ang mga katanungan sa kanyang isipan ay hindi mapigilan.
"Ibig sabihin ba nito na hindi talaga totoong wala siyang pakialam sa pamilya niya?" tanong niya sa sarili habang pilit inaabot ang masakit na katotohanan.
"Siguro rin.....sinasanay lang niyang hindi masyadong mahalin o pakitaan ng lambing ang mga ito, kasi alam niyang... mas masasaktan sila kapag nawala na siya."
Tila bumigat ang paligid, at naramdaman ni Miah ang bigat ng katotohanang pilit na itinatago ng taong iyon.
"Ngunit bakit mas pinili niyang parusahan ang sarili niyang mag-isa?"
Napabuntong hininga ang dalaga. Hindi niya alam ang sagot sa kanyang mga katanungan. Dahil dito, napagdesisyunan niya ang isang bagay na hindi kasali sa plano nila ni Kiara.
"Tutulungan kita, naniniwala akong hindi pa huli ang lahat" nasabi nito habang seryosong nakatingin sa binata.
Tumigil ito sa kanyang ginagawa at hinarap ang dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Vrix.
"Hayaan mong tulungan kitang mahanap si Dr. Ramirez."
Dahil sa sinabi ng dalaga, nilapitan siya ng binata.
"And why would I trust you?" he asked in a cold tone of voice.
"Hindi mo kailangang magtiwala sa akin, hayaan mo lang akong tulungan ka sa paraang kaya ko"
"At anong kapalit?"
Hindi nagsalita ang dalaga. Iniisip niya kasing boluntaryo iyong gawin para kay Kiara at para sa binata.
"Tell me...." sabi ng binata habang naghihintay ng sagot.
"Isipin mo na lang na bukal sa puso ko iyong gagawin" tanging sinabi ng dalaga.
"Are you doing this because naaawa ka sa akin?" tanong ulit ng binata na ikinagulat naman ng dalaga kasi sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Ang init ng hininga nito ay dama niya sa kanyang balat, kasabay ng pwersang tila nagkukulong sa kanya sa sitwasyong iyon.
"Hindi... hindi sa awa," sagot niya. Sinubukan niyang lumayo ngunit nanatili ang binata sa kanyang lugar, hindi binibigyan ng puwang para makawala sa mga titig nito.
"Then what?" malamig na boses nito na may bahid ng desperasyon at hinanakit.
"Sabihin mo sa akin, bakit mo ginagawa 'to?"
Hindi makasagot ang dalaga, natigilan sa bigat ng emosyon sa mga mata ng binata. Pilit niyang iniiwas ang kanyang tingin, ngunit hindi siya pinakawalan nito.
"Fine. Pagbibigyan kita ngayon...but make sure not to tell anyone about this. Lalo na ang about sa sakit ko"
"Ano nga ba ang sakit mo? Bakit kailangan mo ng scientist imbes na magpa-ospital ka?"
"Kasi siya na lang ang pag-asa ko"
Naisipan ni Vrix na papasukin ang dalaga sa highly secured room para maexplain ang lahat.
Namangha naman ang dalaga dahil sa kanyang mga nakita. May research station sa loob, containment units and even cryogenic freezers na nakahilera sa gilid.
"This room is a state-of-the-art containment lab, designed to handle the most delicate experiment" banggit ng binata nang makapasok sa loob.
"Ano iyan?" turo nang dalaga sa mga nakasulat sa malaking board.
"It's all about Nescio 'Artarex' Syndrome and its possible cure"
"Hindi basta-bastang sakit?" curious na tanong ng dalaga.
"Yes.. it's an extremely rare and poorly understood medical condition characterized by the progressive breakdown of intercellular communication within the body. Kaya minsan, kapag hindi ako nakakainom nung pill, nanghihina ako."
"Hindi ba iyon lunas?"
"Unfortunately, not. Those pills aimed only at enhancing cell communication or protecting remaining pathways."
Hindi nakaimik ang dalaga dahil hindi niya naintindihan ang ibig sabihin mg binata.
"In other words, pinapalakas lang nito ang aking immune system para mapigilan ang pagpasok ng mga unknown toxins, in that way..hindi tinatarget ng immune system ang good cells"
"Ano bang sintomas ng sakit na iyan?"
"Well...sa early stage nito is mild cognitive fog or difficulty concentrating sa mga bagay-bagay ngunit ang pinakamalala na symptoms nito is paralysis ng major muscle groups at organ failure due to lack of cellular cohesion"
Napaisip ang dalaga. Hindi niya mawari na nakakatakot pala talaga ang epekto ng sakit na iyon.
"Ibig bang sabihin nito na kahit anong oras, kapag hindi naagapan ang sakit mo eh_"
"My heart will suddenly stop.....And, I only have six months to live, according to Dr. Ramirez. But ngayon.....di ko na siya mahagilap"
"Ah...iyon nga ang pinagtataka ko kung bakit kinidnap ng Midnight Enigma si Dr. Ramirez at anong kaugnayan niya sa motibo ng pagdukot?"
"Midnight Enigma?" napakunot ang noo ng binata dahil dito.
"Oo, nakita namin ni Kiara ang pagkidnap nila kay Dr. Ramirez."
"Those bastards!" agad na lumabas si Vrix sa secured room kaya sinundan naman ito ni Miah.
"Teka, anong plano mong gawin?"
"Hahanapin ko sila...kahit saang liblib na lugar pa sila magpunta!" galit na sabi nito.
"Teka lang, kumalma ka muna. Kailangan nating magplano" suggest ng dalaga.
"Just.....mind your own business. I've already told you everything so, get lost!!" nabitawang salita ng binata bago tuluyang lumabas sa bahay na iyon.
"Hay, ugali talaga ng isang iyon, mahirap ring pakisamahan" bulong ni Miah sa sarili habang pinagmamasdan ang binata na papalayo na sa kinatatayuan niya.