Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 22: SUNFLOWER



Habang hinihintay ni Kiara ang reply ni Miah sa mga texts niya, may biglang nag pop up sa kanyang social media chatbox…

From: Dorothy

"Bes, guess who's back?"

Then, nagsend din ito ng pictures.

"Kuya Nickholai is here na! He's asking about you if kumusta ka na"

Then all the memories of him ay biglang nagflashback sa isipan niya making her not to sleep the whole night.

*** The next day ***

She got up and cooked for their breakfast. At first, di niya alam ang kanyang gagawin kaya nakapagdecide siyang aralin ang kanyang lulutuin by watching videos on the internet. Kahit hindi naman perfect ang pagkakaluto, naging pasado naman ito kay Tobias.

"Hey, bakit ang tahimik mo ngayon?" curious na tanong ng binata kay Kiara nang mapansing tahimik lang ito't tila may malalim na iniisip.

"Ah…wala po sir" she just said.

"You can tell me about it kasi alam kong may iniisip ka. And I'm here to listen" seryosong sabi nito.

"Well, can I ask you this question if you won't mind?"

"Sure, ano ba iyon?"

A sudden silence, nag-iisip pa kasi ang dalaga kung paano niya itatanong ang medyo personal na bagay sa kanya.

"Had.....had you experienced falling in love with someone sir?" 

Bahagyang natawa ang binata, ngunit hindi sa pang-iinsulto—kundi sa pagkabigla sa diretsahang tanong nito sa kanya.

"Iyan pala ang iniisip mo nang matagal? Medyo mabigat na tanong ha."

"Pasensya na sir. Pero I won't force you to answer it if hindi ka comfortable" sagot niya na nahihiya.

"Twice….I fell in love twice…..I guess?" he answered habang nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi ka po sure?" curious namang tanong nito sa binata.

"My first love….it was a long long time ago and recently, alam mo rin naman ang nangyari between us ni Ash di ba?"

Natahimik ulit ang dalaga kasi hindi niya kilala ang pangalan nung girl na binanggit niya. Gayunpaman, she continued to ask him questions trying to get an advice from him.

"Does it hurt? I mean…..does love really hurts more than anything else?"

Dahil sa tanong ng dalaga, napatigil sa pagkain si Tob at uminom muna ng tubig before ulit magsalita.

"Does it hurt? Of course, because it makes you believe in forever only to slap you with the reality that…everything's temporary"

Napatango ang dalaga dahil dito, relating this much to her. Naalala niya ulit si Nickholai….her first love. They never had a chance na magtagal kasi 3rd year highschool pa lang sila'y nag-aral na ito abroad.

"Do you think….can a broken heart really heals?"

"Para sa akin hindi" sagot nito matapos ang sandaling pag-iisip. 

"Kasi at the end of the day, the crack still remains… masasanay ka na lang sa sakit hanggang sa magmanhid na ito, but honestly, you'll never forget about the feeling."

Tumingin siya rito, pilit na binabasa ang ekspresyon sa mukha. May lungkot sa boses nito na hindi maikakaila. Parang may pinaghuhugutan.

Tumikhim siya, pilit nilulunok ang sariling sakit. She can really relate that much to him as if two broken hearted people are having a deep conversation sa harap ng hapagkainan.

"So, what do you do then? If you can't forget?"

"Ang mabuhay pa rin" anitong tila napaka-simple lang. 

"You just live with it. One day, you'll wake up and realize na kahit andiyan pa rin yung crack, hindi na siya kasing bigat tulad ng dati."

"So, do you think…love is worth the pain?" her, patiently waiting for his answer.

"That's the cruel irony. It is because even when it leaves you broken, kahit alam mong masasaktan ka ng paulit-ulit? you'd still choose to feel it all over again." he said, then he continued eating.

"Well….that's deep." nabanggit ng dalaga sa sarili habang pinagmamasdan ang binata. She can't believe to hear those words from Tobias Fuente. 

(Mabilis na lumipas ang ilang oras, sabay silang nagpunta sa flower shop.)

"Can you get me a vase?" agad namang utos ng binata sa dalaga nang makarating na sila doon.

"Ah…okay, punta lang ako sa storage room" 

Nang makaalis ang dalaga para kumuha ng flower vase sa storage room, dahan-dahang kinapa ng binata ang mga bulaklak na nakadisplay sa harap ng shop. Meroon siyang hinahanap na partikular na bulaklak.

"There you are" mahina niyang banggit nang matunton ito. He smiled sincerely at hinintay ang dalaga na bumalik.

"Eto na po sir…" batid naman ng dalaga habang dala-dala ang inutos ng binata.

"Please put these flowers in that vase" tapos ibinigay niya ang dilaw na mga sunflowers sa dalaga.

Tinanggap naman ito ni Kiara habang masayang tinitingnan ang matingkad na kulay ng sunflower.

"Sunflowers?" Kiara murmured, her fingers brushing lightly against the petals. 

"They're my favorite." mahinang sabi nito.

Napangiti ulit si Tob. 

"I hope they make you happy" dagdag niya, trying to cheer her up mula sa pag-uusap nila kanina.

Tumingin naman si Kiara sa kanya, ang mga mata niya ay puno ng pagkabighani. 

"You didn't have to… pero salamat. I appreciate it" sagot niya, ang boses niya ay puno ng sinseridad.

"Well, I just thought you deserve something bright... something cheerful" sagot naman ni Tob. 

"After all, you've been a light to everyone here, kahit hindi mo alam." dagdag nito.

"Everyone?" pagtatakang tanong ng dalaga habang lumingon-lingon sa paligid. 

"Tayong dalawa lang naman ang andito ah"

"I mean…..to..me" Tob said habang napayuko. 

Naputol bigla ang moment na iyon, when someone suddenly interrupted them.

"Mr. Tobias Fuente!!!!!" banggit nito gamit ang matinis na boses. She then suddenly hugged Tob as if matagal na silang magkakilala.

Napataas naman ang kilay ni Kiara nang masaksihan iyon sa harapan niya.

"Wait…who are you again?" tanong ng binata while trying not to be rude.

"Nakalimutan mo na agad? Ako to si, Barbie!" excited na sabi nito habang nakapulupot ang kanyang mga kamay sa braso ng binata.

"Oh…'yung nagpapasend ng location kahapon? My bad, nakalimutan ko" Tob trying to explain.

"It's okay Mr. Fuente. Basta pagdating sa'yo, walang problema." halata sa mukha nito ang saya habang kausap ang binata na kinainisan naman ni Kiara.

"Ako…maarte ako pero mukhang mas maarte toh!" banggit nito sa sarili habang inaayos sa vase ang sunflowers.

"Ah…Miah, can you assist her para sa mga orders niyang bulaklak?" suyo ng binata sa kanya na agad namang sinunod ng dalaga.

"Okay sir, ako na ang bahala sa isang ito" sabi nito trying to smile with the customer.

Then, lumabas saglit ang binata to get something.

"Hey, you're being rude. I have a name….just call me Barbie" sabi niya while twisting her hair.

Kiara raised an eyebrow but maintained her composure. 

"Okay, Bobby," she said, deliberately mispronouncing the name. 

"Halika na po dito and tell me kung ano po 'yung order mo," dagdag niya habang tinuturo ang display ng mga bulaklak sa harapan ng shop.

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Barbie, halatang nairita. 

"Excuse me? Did you just call me Bobby? It's Barbie!" aniya, with a sharp tone. Tumayo siya nang mas matuwid, crossing her arms over her chest.

"Ah, sorry, Bobby—oh, I mean Barbie," sagot ni Kiara na may bahagyang pailing at inosenteng ngiti. 

"What would you like to order?" 

Barbie scoffed, rolling her eyes. 

"You're really testing my patience. Do you even know how to treat a customer properly?"

Kiara gave her a calm but pointed smile. "Of course, ma'am. Kaya nga tinatanong ko po kung ano ang gusto n'yo, para maayos ko kayong maserbisyuhan," sagot niya, may bahagyang diin sa huling mga salita.

Habang ito'y nangyayari, biglang bumukas ang pinto at bumalik si Tob mula sa labas. 

"What's going on here?" tanong niya, in his usual calm but commanding voice while sensing the tension in the air.

Barbie's demeanor instantly shifted, at parang nag-iba ang tono niya.

"Oh, Mr. Fuente! This girl is just… ugh, so unprofessional!" reklamo niya, sabay tingin kay Kiara na parang gusto siyang gawing masama sa harap ng binata.

"Wait, ano ba kasing nangyari?" tanong ni Tob while trying not to be one sided.

"I was just helping her with her order, sir. It seems may misunderstanding lang kami."

"Misunderstanding?" Barbie started glaring at her. Iyong parang gusto niya itong kainin ng buhay.

"You called me Bobby! Twice!"

Tob, suppressing a smirk, raised an eyebrow at Kiara.

"Really, Miah? Bobby?"

She shrugged innocently.

"Slip of the tongue, I guess." 

Then she looked back at Barbie with the same calm smile.

"But don't worry, ma'am. I'll make sure you'll get the best flowers we have."

Dahil hindi na napigilan ng customer ang kanyang inis, hinablot niya yung sunflowers sa vase at padabog itong tinapon sa sahig. 

"Who do you think you are guys? Hindi niyo ba kilala kung sino ako? Hindi niyo ba alam na kaya kong bilhin ang lahat ng tinda niyo dito? But…you're treating me poorly. So in return, I'll make you lose customers. I swear!"

"Teka lang Miss…can you calm down?" mahinahong sabi ng binata trying to fix everything.

"Pagsabihan mo iyang trabahante mo na matutong magentertain ng customers nang maayos!"

Hindi na umimik si Kiara dahil the customer's really pissed. Dahan-dahan na lang niyang pinulot ang mga nagkalat na sunflowers sa sahig. Pero habang ginagawa niya ito, biglang sinipa ng customer ang mga bulaklak kaya nasira ito.

Because of it, hindi na nakapagtimpi pa si Kiara. She can't be Miah that time dahil feeling niya, naaapi na siya ng maarteng customer.

"Hey! Stop being childish….Hindi bagay sa buhok mong parang walang suklay!"

"Miah..stop" awat naman ni Tob sa dalaga.

"Anong sabi mo?" lalapitan na sana ng customer si Kiara nang pumagitan si Tob sa kanila.

"Sabi ko…hindi bagay sa'yo ang mag act like a child. Ang tanda mo na!" dagdag ni Kiara.

"I said stop!!!!" sigaw na ng binata dahil ayaw talagang paawat ng dalawa.

Dahil dito, natahimik bigla ang flower shop.

"If you feel like not buying the flowers Miss, you're free to go. And you, Miah..let's talk in my office" sabi ng binata before dumiretso sa lungga niya.

"Ugh!!! I won't be back in this cheap place!!!" iritang sabi ni Barbie bago padabog na lumabas ng shop.

"Good for you" banggit naman ni Kiara while rolling her eyes.

(Sa office)

Dahan-dahang pumasok si Kiara sa office.

Nanatiling tahimik sa loob kaya kinabahan bigla ang dalaga, thinking na baka magsungit ang kanyang amo dahil nawalan sila ng customer.

"Seryoso ka ba, Miah?" tanong ni Tob habang pinipigilan ang tawa, pero hindi nakaligtas iyon sa matalas na mata ni Kiara.

"A-ang alin po, sir?" tanong niya, kunwari clueless, pero halatang alam na alam ang ibig niyang sabihin.

"Iyong pang-aasar mo kanina! You're really a bad girl!" sagot ni Tob, sabay ngiti na parang aliw na aliw.

"So... does it mean, hindi ka galit?" tanong ni Kiara na medyo may kaba.

"Galit? Hindi, medyo napanganga lang talaga ako sa eksena kanina. Ewan ko ba kung anong masamang espiritu ang sumapi doon at ganon siya magdrama. Parang audition sa teleserye" sabi ni Tob, sabay tumayo habang pinapailing ang ulo.

"Umalis na ba siya?"

"Ah… opo" sagot ni Kiara, pilit na kalmado pero internally natatawa pa rin sa mga reaksyon ng binata.

"Good. Anyway…." sabi ni Tob.

"Dalawang araw na lang before ang Flowers and Music Night. I want you to contact my brother para tulungan ka sa pagdala ng fresh-picked flowers this Friday. Baka makatulong din siya sa setup ng event."

Halos mabitawan ni Kiara ang hawak niyang clipboard. 

"Oh no. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng makita ako ng kuya niya! Kapag nangyari iyon, tapos ang lahat ng plano namin ni Miah! " Nagsimula siyang magpanic internally.

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.