Chapter 20: DIM OF HOPE
"Dr. Sky Ramirez.... Sana'y nauunawaan mong wala itong personalan. Kailangan lang namin ng sagot sa aming mga katanungan"
Ang boses ay nagmumula sa kabilang dulo ng mesa. Nakaupo ito at nakasuot ng itim na balaclava. Sa mesa ay may recorder, isang hiringgilya na may hindi kilalang likido, at isang makapal na folder na may pangalan ni Dr. Ramirez.
"Sinabi ko na sa inyo di ba? Wala kayong makukuha mula sa akin!" inis nitong sabi sa lalaking kaharap niya.
Ngayon kasi, siya ay nakaupo sa isang bakal na upuan habang nakatali ang kanyang mga kamay sa likod.
Sinubukan niyang kumawala, ngunit masyadong mahigpit ang nakataling lubid sa kanyang mga kamay.
"We had some of the samples Dr. Ramirez, ibig sabihin...meroon ka nang nabubuo mula sa pananaliksik mo. At....gusto ko lang ipaalala sa iyo ang atraso mo tatlong taon na ang nakalilipas" sabi nito habang nakapatong ang dalawa niyang siko sa lamesa.
"Sino ba kayo? Bakit niyo ba ito ginagawa?"
"Anong tawag mo sa rare disease na ito?Hmm....." tapos hinalungkat niya ang folder sa kanilang harapan.
"Nescio 'Artarex' Syndrome, kailangan namin ang impormasyon sa mga natuklasan mo patungkol sa mga genetic marker at ang posibleng lunas nito."
Napatigil si Dr. Ramirez.
Maingat kasi niyang sinigurado na mananatiling lihim ang kanyang pananaliksik at sa pagkakatanda niya, ibinahagi lamang niya ang patungkol dito kay Vrix, who is the subject of his experiment.
"Lihim ang pananaliksik na iyon. Kung akala ninyo basta ko na lang—"
Pinutol ng interogador ang boses nito, malamig ngunit mahinahon.
"Lihim o hindi, kailangan namin iyon. Alam mo ba kung gaano kalaki ang halaga ng iyong trabaho sa black market? May mga interesadong partido na gustong gawing sandata ang natuklasan mo. Isipin mo ang kaguluhang maidudulot nito kapag nagkataong napunta ito sa masasamang tao." paliwanag ng lalaking kaharap niya.
A moment of silence....
"Ang NAS ay may pathogen na pumipili ng biktima base sa genetic makeup—walang depensa laban dito." mahinang sabi ng scientist sa lalaki.
"Anong ibig mong sabihin? Eh ano 'yung pill na binibigay mo kay Mr. Vrix Zhi? At anong kaugnayan ng pananaliksik mo sa mga Fuente?"
Napakunot ang noo ng scientist. Hindi niya aakalaing masyadong marami na palang nalalaman ang grupong kumidnap sa kanya.
"I won't tell you..basta, sinabi ko nang wala pa akong nagagawang lunas sa sakit na iyon"
Ang interogador ay umupo nang maayos, dahan-dahang tumango.
"Kung ganoon, kailangan namin ang lahat ng meron ka—ang genetic markers, ang propagation model at ang testing protocols." sabi nito in a cold tone of voice.
"Bakit, anong balak ninyong gawin? Aagawin niyo ang pinaghirapan ko? Ha?!!" halos magwala si Dr. Ramirez dahil sa sinabi nang kaharap niya.
Dahil dito, sinenyasan ng interogador ang isa pang kasama niya para mainjectionan ng pangpakalma ang scientist.
"Mga walang hiya talaga kayo!!!! Pakawalan ninyo ako dito!!!!"
"Dr. Ramirez, saka na natin pag-usapan ng masinsinan ang patungkol sa NAS kapag kalmado ka na." tapos dali na itong tumayo at hinayaan ang kasamahang patulugin na ang scientist.
******
Sa mansion ng mga Zhi...
Ilang beses nang sinubukang tawagan ni Vrix si Dr. Sky Ramirez, ngunit walang sumasagot.
"Tsk! Where did he go? Paubos na ang gamot ko and hindi ko siya mahagilap" mahinang sabi niya sa sarili.
Dahil dito, naisipan niyang puntahan na lang ang Abandoned Village para makausap niya ulit ang scientist.
"Vrix, saan ang punta mo?" tanong ni Miah sa kanya matapos siyang ihatid ni George mula sa dinner date nila.
"It's none of your business" tanging sabi nito bago dumiretso sa garahean.
"Suplado!!" nasambit ni Miah nang papalayo na ang binata.
"Magbibihis pa ba ako o susundan ko na siya agad?" biglang tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
Nanaig ang kanyang isipan na sundan na lang agad ang binata kahit medyo uncomfortable siya sa red dress na suot niya ngayon.
Agad niyang tinawag si Manong Buno na nagyoyosi lang rin sa labas at sinundan ang sasakyan ng binata.
Ilang oras ang lumipas, nakarating na rin sila sa village.
"Bumalik na naman siya dito Ma'am, ano na namang pakay niya sa lugar na ito" curious na tanong ng driver.
"Baka hindi niya alam na nakidnap na pala ang scientist na lagi niyang dinadalaw dyaan" hula naman ng dalaga while connecting the dots.
"Susundan na ba natin siya sa loob ng bahay na iyan?"
"Huwag na Manong, itago mo na lang itong sasakyan doon..babalik rin ako dito agad" sabi ng dalaga bago bumaba ng kotse.
"Mag-iingat ka Ma'am ha?"
Tumango lang ang dalaga't dali-daling lumapit sa lungga ng scientist.
Nagulat naman si Vrix nang makita ang loob ng bahay. Magulo ito't halatang hinalughog ng kung sino man.
"Dr. Ramirez, sino ang may gawa nito sa iyo?" natanong niya nang makita ang office nito na nagkalat.
Tapos biglang sumagi sa isipan niya ang secured room para malaman kung napano na ito. He used his fingerprint and entered the code bago niya tuluyang mabuksan ang misteryosong silid na iyon.
"Nabuksan na niya" bulong naman ni Miah sa sarili habang nakasilip at nagmamasid kay Vrix.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa room kung saan pumasok ang binata. Ngunit di na niya naabutang nakabukas ang silid kaya sa labas na lang ulit siya naghintay.
"Where's the sample?" dali-dali niyang binuksan ang isang secured box na naglalaman ng isang transparent cylinder na nakaangat mula sa sahig.
Tapos sa loob nito ay may isang misteryosong vial na naglalaman ng itim na likido.
Napabuntong hininga siya.
"It's still here but the problem is....he's missing. Six months....I only have six months left" sabi niya habang desperadong umupo sa gilid ng laboratoryo.
Tiningnan niyang maigi ang isang malaking board na puno ng hand-drawn diagrams, formulas, at medical notes. Ang ilan ay tungkol sa genetic engineering habang ang iba ay patungkol sa experimental cure.
"If only I could understand his studies....maybe I could live longer." unknowingly, nababasa na pala ng kanyang luha ang kanyang mga mata.
Dala nito ang bigat na kanyang nararamdaman.
"Am I cursed? Why I need to live like this? Bakit pa ba ako ipinanganak sa mundo just to suffer?" then, he cried. Ibinuhos niya ang kanyang mga luha because he is losing hope.
And he has no one to talk to. Kasi ang taong inaasahan niyang tutulong sa kanya ay tila ipinagkait pa ng tadhana.
"I'm tired! I'm so tired!" he said bago tuluyang lumabas sa highly secured room.
Dali-dali siyang bumalik sa office ni Dr. Ramirez at hinalughog ang maliit na cabinet nito.
Agad namang nabahala si Miah nang mapansin ang kinikilos ng binata.
"Ayos lang ba siya?" bulong nito sa sarili.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga matapos masaksihan ang susunod na mga pangyayari.
Itinutok kasi ng binata sa kanyang ulo ang baril na nahanap niya. Bagama't desidido na siyang wakasan ang kanyang buhay, mapapansin pa rin sa kanyang mga kamay ang sobrang panginginig sa takot.
"I need to end this..." sabi niya as his last word sana nang bigla siyang pigilan ni Miah. Pareho silang natumba sa sahig at nabitawan ng binata ang hawak na armas.
"Hindi mo kailangang gawin iyan Vrix, andito lang ako" sabi ni Miah sa binata habang bahagyang nakapatong ang kanyang ulo sa dibdib ng binata.
Hindi naman agad nakareact si Vrix dahil hindi pa rin nagsisink in sa kanyang utak ang biglaang pagsulpot ng dalaga sa lugar na iyon.
"Pa_pasensya na rin" dali namang tumayo ang dalaga nang mapansin ang posisyon nila kanina lang.
"Why are you here?" tanong ng binata na punong-puno ng pagtataka.
"Ah...eh...sinundan kasi kita" tanging sabi ni Miah dahil wala na siyang maisip na idadahilan sa binata.
"Bakit mo ba ako sinusundan?" galit nitong tanong.
"N_nag-aalala lang ako sa iyo bilang kapatid mo Vrix. Saka ano bang ginagawa mo sa lugar na ito?" maang-maangang sagot nito sa kanya.
"No.....hindi ikaw si Kiara. Sino ka ba huh?!" sigaw nito habang mahigpit na hinawakan ang dalaga sa dalawa nitong balikat, not letting her go kahit na magpumiglas siya.
"Answer me, who are you?!!!!"
"Mashaket....ouch" nasambit ng dalaga, sa paipit na boses.