Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 19: WHISPERS OF TRUTH, ECHOES OF DOUBT



Sa lumang bahay ni Tob. 

Abala na sa pagbitbit ng mga gamit papasok ng bahay si Kiara.

"So mabigat…ano ba itong pinasok ko't I look like a kargador na" she murmured habang hinihila ang malaking bag.

"Ayos ka lang? Nalinisan ko na pala 'yung magiging kwarto mo. Napapalitan ko na rin ng mga ilaw ang loob para hindi masyadong madilim para sa iyo" sabi ng binata sa kanya.

"Okay po. Dadalhin ko na ang mga gamit ko sa kwarto." sambit ng dalaga kay Tob.

"Do you need help? Marami ka bang dala-dala?" 

"Ah…isang bag lang naman and isang malaking plastic clothes storage"

"Ako na dyan…pahinga ka muna" sabi nito matapos kunin sa dalaga ang bitbit niyang bag.

"Sigurado po kayo sir?" medyo worried naman na tanong ng dalaga knowing na he can't see.

"Don't worry, kabisado ko na ang loob nitong bahay" he said tapos dinala na niya ito sa kwarto. 

Naupo naman saglit ang dalaga habang pinagmamasdan ang binata sa kanyang ginagawa.

"The last time I saw you was when we're still kids, tahimik ka lang dati tapos sipunin pa. I didn't expect that you've been a grown man now" bulong ni Kiara sa sarili niya.

"By the way, if you wanted to take a bath…may c.r sa pagitan ng kwarto natin. Pasensya na if iisa lang ang c.r natin dito" ani ni Tob.

"It's fine and I think..it's much better than our c.r with chubol" sabi ng dalaga nang maalala niya ang incident sa c.r noong nakaraang araw.

Dahil dito, napangiti naman ang binata dahil sa sinabi nito.

"I don't know why pero…..parang nag-iba ka ngayon Miah…I mean….the way you speak and your voice…ibang-iba sa Miah na nakilala ko. Ikaw ba talaga iyan Miah?" tanong ng binata na may halong pagdududa na.

Muntik nang mapasinghap si Kiara, ngunit agad siyang ngumiti nang pilit at umiling. 

"S-siyempre naman, sir! Ako pa rin 'to. Baka... baka pagod ka lang kaya ganyan ang nararamdaman mo," aniya, sabay iwas ng tingin.

A short moment of silence bago muling ngumiti si Tob, bagama't halatang hindi pa rin siya kumbinsido. 

"Hmm… baka nga. Pero kung may tinatago ka, tandaan mo… hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin Miah."

Napalunok si Kiara. "Grabe naman 'tong si Tob! Parang nakakakita kahit hindi naman makakita!" sigaw niya sa isip. Ngunit sa labas, ngumiti siya at tinapik ang braso nito.

"Huwag kang mag-alala sir, wala akong tinatago sa'yo" pagsisinungaling ng dalaga sa kanya.

Dahil dito, dahan-dahang ginulu-gulo ng binata ang buhok nito.

"Yeah….I know. Don't worry, I trust you" 

Saglit na natigilan si Kiara, naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Tob sa kanyang ulo, kahit gaano pa ka-simple ang ginawa nito, ay tila dumampi sa kanyang puso.

"Bakit mo naman ako pinagkakatiwalaan ng ganito?" tanong niya nang hindi na mapigilan, isang pilit na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

 "I mean… hindi mo naman ako nakikita, pero parang… alam mong hindi kita kayang lokohin."

"I just know…" sagot ni Tob na tila ba natural lang ang lahat. 

Tumigil siya sa paglalaro ng buhok nito, ngunit hindi niya inalis ang kanyang kamay, na ngayo'y nakapatong sa balikat ni Kiara. 

"Minsan kasi, hindi lang mata ang ginagamit para makita mo ang isang tao, Miah. Minsan, you'll just feel it"

Natigilan si Kiara sa mga salitang iyon. 

"T-talaga?" tanong niya habang pinipilit na itago ang kanyang pagkalito.

"Yeah" sagot ni Tob habang nakangiti, ang boses niya ay malambing ngunit puno ng kasiguraduhan. 

"I may not see you with my eyes, but I can feel you here." he said habang nakahawak sa kanyang dibdib.

Hindi alam ng dalaga kung paano sasagutin iyon. Pero tila biglang tumigil ang mundo, at ang tanging boses lang ni Tob ang naririnig niya sa mga sandaling iyon.

"Ang lalim nun ah" natatawang sabi ni Kiara para maibsan ang tensyon, pero halata sa kanyang boses ang pagkalito at di mapaliwanag na kanyang nararamdaman.

"Not really" sagot ni Tob, nakangiti pa rin habang tinatanggal na ang kamay sa kanyang balikat.

Tahimik silang pareho saglit, ngunit dama sa pagitan nila ang kakaibang koneksyon na unti-unting nabubuo. Kiara bit her lip, pilit na itinatago ang namumuong ngiti.

"Salamat" bulong niya, na halos hindi nadidinig.

"For what?" tanong ni Tob, agad na bumaling ang atensyon sa kanya.

"Wala… sa tiwala mo, siguro…." sagot ni Kiara . 

"Hindi ko alam kung deserve ko ba 'yon." dagdag pa niya.

Nagkibit-balikat si Tob, ngumiti ng malumanay at nagsalita muli. 

"You do, Miah. At tandaan mo 'to—kahit ano pa ang mangyari, nandito ako. You don't have to carry everything alone. I've seen your struggle in life pero bilib ako sa resilience mo kaya never underestimate yourself, no matter what"

Doon na siya natulala. "Bakit ganoon ka ka-sigurado, Tob?" tanong niya sa isip. Ngunit sa labas, ngumiti siya at sinuklian ang sinabi nito ng mahinang, 

"Salamat ulit… sir"

~~~

"Shooks. Akala ko ba masungit itong amo ni Miah....pero bakit parang nakukuha na niya agad ang loob ko? I didn't expect to know someone like him. If not for this mission, I wouldn't have a chance to know a little bit about him lalo na't palagi ko siyang iniiwasan dati. Iba rin kasi ang naririnig ko about him eh that's why" sa isip-isipan ni Kiara.

~~~

"And dahil first day mo pa lang dito sa bahay, I'll treat you as my visitor…..meaning…..I'll be the one who'll be cooking for you" excited na saad ng binata sa kanya.

"Really sir? Kaya mong magluto even if_"

"I told you dati pa…we're capable of doing impossible things if we wanted to." he said while heading na sa kitchen.

Mas lalong na-amaze ang dalaga kasi hindi lang basta good looking guy si Tob, he is a boyfie material as well. Agad na inihanda ni Tob ang mga gagamitin sa pagluluto.

"If you wanted to help me, then it's fine rin naman" offer ni Tob nang maramdaman ang presence ng dalaga sa kitchen.

"Sure…ano bang maitutulong ko?" tanong niya.

"Pwede mong ihanda ang mga ingredients like the chicken, broccoli, cheddar cheese, stuffing mix and spices" instruct ng binata.

"Okay, copy" she said habang hinahalughog na ang ref. Matapos mahanap ang lahat ng ingredients, nilinisan niya at hinugasan ang mga ito bago tulungan ang binata sa paghihiwa.

After niya iyong gawin, pinaupo na siya ng binata habang sinisimulan na niya itong lutuin. Parang professional chef lang ang binata ,the way na paghalu-haluin niya ang mga ingredients, at lutuin ang special menu nila for dinner.

"Dinner's served." sabi nang binata nang maluto na ang Chicken Broccoli Casserole.

Tumango-tango naman ang dalaga nang makita ang niluto ng binata.

"Tinitingnan ko pa lang ang luto mo sir, alam kong masarap na iyan" masayang sabi nang dalaga dahil isa ang menu na iyan sa paborito niyang ipaluto sa chef nila sa mansion.

"Do you know that my mom is a chef?" kwento ng binata sa kanya.

"Talaga po?" tanong niya dahil ang patungkol lang sa daddy ng binata ang alam niya, since friends sila ng kanyang daddy.

"Oo and sa kanya ako nagmana" proud na sabi niya sa dalaga.

Nagkaroon ulit sila nang kwentuhan hanggang sa matapos na silang kumain.

(phone beeps)

From: Miah

Binasa niya ito habang nakahiga na sa kama.

Kiara, may kasalanan ako sa iyo.

Dahil dito, agad na napabangon ang dalaga at nagreply dito.

To: Miah

What did you do?

Ilang minuto pa bago ulit nagreply si Miah.

Kasama ko si George ngayon kasi pinilit ako nung isang half brother mo.

Nagreply ulit ang dalaga.

Who?

From: Miah

'Yung pangmatanda ang pangalan.

"Aga? kainis rin talaga ang isang iyon" she murmured.

"Pero huwag kang mag-alala, binanggit ko naman na may iba na akong gusto at hindi siya iyon"

 Dahil dito, napakunot ang noo ng dalaga.

"Don't tell me na she mentioned Tob to him...wait…no!" agad na tinawagan ni Kiara si Miah pero hindi na macontact bigla ang dalaga.

"Shooks! lagot talaga kami nito" nasabi niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.