Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 3: TWICE FOR LOVE



Natigilan ang binata, naguguluhan kung ano ang dapat niyang maramdaman ngayon.

Dapat ba siyang maging masaya dahil sa pagbabalik ng taong minsang pinangarap niyang makasama habang-buhay? 

O dapat ba siyang magdamdam? Sapagkat kasabay ng muling pagharap nito sa kanya... ay ang muling pagbukas ng mga sugat na halos maghilom na.

Datapwat, nangibabaw pa rin ang nararamdaman niya ngayon.

Ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib— sa pagitan ng galit at panghihinayang. Ang damdaming akala niyang napatahimik na sa paglipas ng panahon ngunit ngayon ay nagbalik, sa isang iglap na muling nagpagulo sa kanyang puso at isipan.

"Kumusta ka na, Tob?"

Iyong mga kataga na iyon…..

Matagal ring hinintay ng binata na marinig iyon mula sa kanya.

'Yung tipong nakasanayan na niyang mapakinggan ang mga tanong ng may pag-aaruga nung panahong masaya pa sila, 'yung panahong nasa dalaga pa umiikot ang kanyang mundo. Hanggang sa dumating ang pagkakataong bigla na lang siyang sinukuan ng dalaga.

They didn't even have the proper closure kasi siguro…..natatakot rin siyang marinig ang tunay na dahilan.

Natatakot ang binata na mapakinggan mula sa bibig ng dalaga ang mga salitang, 

"Di na kita mahal….."

Mga katagang magpapalalim pa sa sugat na iniwan nito sa kanya.

"Sir, hinahanap po kayo ni Ma'am" ani naman ni Miah nang makita ang binata sa labas.

Hindi umimik ang binata at agad itong pumasok sa flower shop.

"Tobias, can we talk?" Ash said while following him.

Nanatiling tahimik ang binata. 

Kinapa niya kung nasaan ang couch bago ito umupo.

"Ah…sir, may iuutos po ba kayo sa akin?" sabi ni Miah nang magka-hint siyang kailangan ng dalawa ang privacy to talk.

"Just give her a drink." he replied.

"Okay po." then agad nang pumunta sa likod ang dalaga to let them talk.

A moment of silence.

"What brought you here?" Tob said while trying to be calm.

"Gusto ko lang naman malaman kung okay ka. You never answered my calls." she said.

"I blocked you in my phone" him in a cold tone of voice.

"I know na malaki ang pagkukulang ko sa iyo Tob. And I'm sorry_" tumigil muna siya saglit sa pagsasalita kasi ayaw niyang mapansin ng binata na naiiyak na siya.

Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nagsalita ulit.

"I'm sorry for breaking up with you that time. Kung hindi sana…ako nakipaghiwalay sa iyo that time, hindi ka magiging…..ganyan. It's my fault Tob, I'm sorry."

'Yung sakit na naramdaman ng binata nung gabing iyon, parang unti-unti na namang bumabalik sa kanya ngayon.

"Why? All this time, bakit ngayon mo pa lang iyan sinasabi sa akin? What's your purpose Ash?" nasambit ng binata habang nagsisimula nang pumatak ang kanyang mga luha.

"It's because_" nagdadalawang isip ang dalaga kung sasabihin niya ba ang totoong reason kung bakit siya nakipaghiwalay that time. She got this fear kasi na baka lalo pang magalit ang dating nobyo sa kanya.

"Tell me, Ash. Just be honest with me, okay? Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?" Tob's voice cracked, the hurt barely contained. 

"Do you have any idea how many times I asked myself kung saan ba ako nagkulang? You know what? I loved you, Ash. And alam ko, I'm far from perfect... hindi ako 'yung ideal guy mo…..pero ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo rin ako. And like a fool, I believed that you'll love me back. Pero anong ginawa mo? You threw me aside—for my brother." He took a shaky breath, being filled with pain.

Ash's eyes widened in shock, stunned that he knew. She hadn't imagined he'd find out, let alone confront her like this.

"You knew?" tanging nasabi ng dalaga.

"George told me." him referring to his brother. 

Hearing this, her heart sank even further. Knowing that Tob had found out from his own brother made her guilt feel like a physical weight pressing down on her chest. She'd been dreading this moment for so long, trying to avoid the confrontation she knew she owed him.

And now, with Tob in front of her, she was overwhelmed with the regret she'd kept bottled up. She'd made mistakes—ones she couldn't take back—and the courage she'd finally summoned felt hollow against the hurt she made on him.

"Tob….I'm really sorry. Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan but sana mapatawad mo ako" halos pabulong na sabi ng dalaga sa kanya.

Magsasalita na sana ang binata patungkol sa kung ano ang gustong ibulalas ng bibig niya, nang dumating bigla si Miah dala-dala ang orange juice that she prepared.

"Break time po muna." she said habang nakangiti pa. Hindi rin kasi niya napansin na nagkakaiyakan na pala between the two so sinubukan niyang iuplift ang mood sa loob.

"Sunny Squeeze for two! Nilagyan ko na rin ng Echinacea flower sa gilid which symbolizes good health para sa inyo"

No response from both of them kaya doon lang niya napagtanto ang situation sa loob.

"Uh…M_may gagawin pa pala ako. Excuse me lang po muna" then she immediately went outside murmuring to herself.

"Tanga ka talaga Miah. Nage-emote pa ang dalawa eh.!" sabi niya habang mahinang sinampal ang sarili.

"Hindi kita pipiliting patawarin ako Tob. But I just want to let you know na wala na kami ng kuya mo. Your dad wanted him to marry Miss Kiara Louie…so I let him go." Ash said nang makalabas na si Miah sa flower shop.

"So?"

"Wag ka na ring mag-alala, Tob" she said softly, her voice barely steady.

"Bukas, aalis na ako… at tuluyan nang mawawala sa buhay mo. Hindi na ako magpaparamdam, hindi na ako magiging sagabal sa'yo."

When he heard that, pinigilan ng binata ang kanyang sarili na magtanong kahit tila dinudurog na ang kanyang puso ngayon.

" Siguro… ito na ang huling paalam ko."

She took a deep breath, forcing herself to look at him one last time, her gaze heavy with regret and unspoken apologies. 

"Sana, balang araw, maghilom din ang lahat ng sugat na iniwan ko sa iyo." then she hugged him. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang sarili na hindi yakapin kahit sa huling pagkakataon ang binata. 

That moment, parang sinaksak ang puso ni Tobias ng ilang beses. He can't speak pero hinayaan niyang patuloy na umiyak. Nalulungkot siya kasi kahit masilayan man lamang ang mukha ng babaeng minahal niya ay hindi niya magawa.

Hindi niya magawa kasi nga bulag siya….

He even pitied himself dahil sa mga nangyari.

Tila gusto na niyang sukuan ang mundo.

He's losing hope…..

"Goodbye my Knight in Shining Armor" bulong ng dalaga habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Matapos ang sandaling iyon, tuluyan ng umalis ang dalaga. At iniwan niya sa pangalawang pagkakataon ang binata na luhaan.

Sakto namang nagplay ang radio nila ng nakakalungkot na kanta.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.