Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 2: KIARA’S DEAD RINGER



"Namumukod tangi sa lahat, pinagpala ng kagandahan."

Iyan ang nasambit ng Prinsipe nang makita si Miah na nakasakay sa isang puting kabayo.

"Di ko batid na may isang marikit na tulad mo ang nakatira dito sa Palasyo" sabay hawak sa kanang kamay ng dalaga upang alalayan itong bumaba mula sa kanyang kinauupuan.

"Kabigha-bighani ang iyong mga matang tila baga nangungusap habang aking tinitingnan, labing kay pula tulad ng mga mansanas na aking dala-dala, malaporselanang balat na tila ako'y nasisilaw at mga kamay na_" napatigil saglit ang Prinsipe sa pagsasalita.

"Bakit, anong problema?" tanong ng dalaga.

"Kamay na…..may kalyo?" nakakunot noong sabi ng Prinsipe.

"K_kalyo?"

Hanggang sa naramdaman ng dalaga ang hampas ng kanyang nanay sa braso na naging rason upang magising siya sa kanyang panaginip.

"Miah! Anong oras na? Hindi ka pa babangon dyan, gusto mong magpahinga habang buhay?!" sigaw nito sa kanya.

"Si Mama naman eh..panira ng umaga" inis na batid ng dalaga habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Anong panira, magtatanghali na't naglalaway ka pa dyan sa higaan mo" ani ng kanyang ina.

"Uwaaaah! Uwaaah!" bigla namang iyak ng sanggol na nasa duyan.

"Ssshhh, nagulat ka baby noh? Masyado kasing maingay si lola…..ano?" agad namang paglapit ng dalaga dito.

"Hoy!!! Glory Ann Yunno, kailan ka pa ba matatapos diyan sa banyo ha? Naiyak na itong anak mo!!" sigaw ulit ng nanay nila.

Dahil sa gulat, mas lalong umiyak 'yung bata.

"Sigaw ka kasi ng sigaw kaya nagugulat ang bata! Hinaan mo naman ang pagsasalita mo" galit na sagot ng ate ni Miah mula sa banyo.

Ito talaga ang nakasanayan ng dalaga tuwing umaga. Sigawan at tila parang laging may away. Minsan, umaalis na lang ng maaga ang dalaga para magtungo sa flower shop na binabantayan niya para lang makatakas sa nakakarinding ganap tuwing umaga.

"Ate, matagal ka pa ba diyan? Natatae na ako" ani naman ng bunso nilang kapatid na si Oreo.

"Dalian mo Oreo at maliligo na rin ako" sabi ng dalaga sa bunso nila.

"Glory!! lumabas ka na kasi diyan. Ano ba kasing ginagawa mo sa banyo? Nagdadasal?!" sigaw ulit ng bungangera nilang nanay.

Napabuntong hininga na lang si Miah habang pilit na pinapatahan ang baby.

Lumipas ang isang oras, nakarating na rin siya sa Flower Shop na pinagtatrabahuan niya. Inayos niya ang mga bulaklak sa loob, naglinis at ihinanda na rin ang mga ordered bouquet of flowers sa estante.

Malapit lang ito sa dagat kaya naisipan niya munang dumaan doon para magpahangin saglit.

"Okay, isipin mo ang masasayang mga bagay. Be positive….bawal ang negativity sa workplace. Breathe in.." huminga siya ng malalim.

"Breathe out" sabi niya habang nakapikit sa mga sandaling iyon at ninanamnam ang ihip ng hangin mula sa karagatan.

"Stop, you're contaminating the fresh air" someone said sa likod niya.

Napalingon ang dalaga sa kinaroroonan ng nagsabi non.

"Ah….s_sir Tob?" gulat na sabi ni Miah nang makita ang kanyang amo.

"Why are you here? sino ang nagbabantay sa flower shop?" he said habang kinakapa ang bench chair.

He got blind kasi after the accident na kagagawan rin niya. He is the kind of guy na wild and spoiled rich brat. He never knew things could turn out like that after driving while being drunk. He was the youngest son of Fuente Family by the way, ang may-ari ng flower shops sa iba't-ibang lugar. Not the wealthiest but ang pamilya nila ay may kaugnayan sa mga Zhi dahil si Don Arnulfo, ang daddy ni Tobias, ay matalik na kaibigan ni Mr. Sebastian Zhi. Nasa isla ang binata this time kasi he decided to stay sa lugar kung saan talaga sila nagsimula.

"Ah, babalik na po ako sir." sabi ng dalaga.

"Make sure to have our sales increase today"

Napailing ang dalaga kasi alam niyang bibihira lang talaga ang bumibili ng mga bulaklak sa buwan ng Agosto.

"Sir.."

"Huwag ka nang magreklamo, okay? Just follow what I say!" inis na sambit nito.

Hindi na kumibo pa ang dalaga kasi alam niyang nagsusungit na naman ito kaya bumalik na siya sa flower shop.

Tobias sighed.

Pinakinggan na lang muna niya ang alon sa dagat at huni ng mga ibon sa lilim ng puno kung saan siya nakasilong ngayon, to calm down.

While sitting, biglang dumaan sa palaisipan niya ang gabi bago siya madisgrasya. Hindi naman talaga niya planong maglasing that time kung hindi lang sana nakipaghiwalay sa kanya ang gf niya.

Si Ash Medina, ang rookie billiard player ng University nila dati. They've been into relationship for three years and saktong anniversary nila that day, sakto rin ang break up niya sa dalaga.

(Phone's ringing)

"Hello" sagot ng binata nang makuha ang phone sa bulsa niya.

"Remember me???" sabi sa kabilang linya.

"I can recognize your voice Gabriel, what do you need from me?" he asked directly.

"You know my sister right?"

"Hmmm..Louie?"

"Yes! siya nga. Alam mo bang gusto ng parents natin na makasal kayo?"

Natigilan saglit ang binata.

"I knew it from the start….noong hindi pa ako bulag."

Even back in high school kasi, Kiara's father had his sights set on Tobias as the perfect match for her. Mr. Zhi could already see the potential in the young man to elevate their family business. Totoo naman na, Tobias might not have been an academic achiever, but he had a natural flair for business and a knack for making things work—even if he could be a bit bratty at times.

"Pero may chance pa naman di ba?" he asked.

"Why are you asking me this? Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" Tob said na may pagkainis na dahil sa mga tanong nito.

"Alam mo kasi bro, wala na talaga akong ibang malalapitan eh. And right now, I'm so dead with my dad kapag bumalik ako sa amin na hindi pa nareresolve ang problem ko."

"And?"

"Manghihiram lang sana ako ng money para maibalik lang kahit ang kalahati nung nawalang pera sa company namin."

A little moment of silence.

"Bro, I'm sorry but hindi kita matutulungan sa bagay na iyan. Alam mo namang ang flower shop lang ang meroon ako ngayon this time and matumal pa ang bentahan."

"Kahit 25 million lang?"

"Yes, even a million. Hindi talaga. Well, why not try to borrow from your sister?"

"Ayoko bro, kilala ko iyon. May pagkaugali rin iyon ng matanda." referring to his dad.

Napabuntong hininga na lang ang binata dahil dito.

"Well, I guess… I'll just stay here for a while. Sige bro, thanks for answering my call. Just don't tell them na tumawag ako sa iyo okay?"

"Fine."

After nun, ibinaba na ni Gabriel ang telepono.

"Silly." Tobias mentioned before deciding na pumunta na sa flower shop nila kaya he held on his stick to have his way back. Medyo nasanay na rin siya sa lugar kaya he can walk na without assistance from anybody.

Habang dahan-dahan siyang naglalakad, someone held his hand.

And those hands na nakahawak sa kamay niya,

The scent and the beating of his heart…..

He already know kung sino ang nasa harapan niya ngayon.

"Ash?".

"Yes, it's me."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.