Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 17: HIS LITTLE SECRET



Tahimik lang si Miah habang nakasakay sa mamahaling sasakyan ng mga Zhi. Patuloy pa rin kasi ang pag-iisip niya ng paraan para mapadali ang misyon na hindi nabibisto ng kapatid ni Kiara na si Vrix.

(phone beeps)

Agad na binasa ng dalaga ang message ni Kiara.

From: Alpha

To remind you about the do's and dont's na napag-usapan natin noong nakaraang araw….here's the list:

Rule #1: Don't trust anyone, lalo na ang mga half brother ko. That's why, don't be close to them lalo na kay Vrix, kung ayaw mong lalo kang pagdudahan sa mga actions mo.

Rule#2: Don't forget to speak like me, remember..iyan ang una nilang mapapansin. Just try to add an english word everytime you speak. Ayt? Kaya mo iyan.

Rule#3: The way you eat, remember…I'm a picky eater. Don't eat anything na hindi niluto ng sarili kong chef. Always ask if sino ang nagluto before you eat.

(Napahinto ang dalaga sa pagbabasa)

"Kahit masarap ang pagkain? Kahit sa restaurant? Ano ba iyan…gugutumin pa ako nito ah" bulong niya sa sarili.

(She continued reading the text message)

Rule#4: Kapag may nag good morning sa iyo sa bahay or sa workplace, just nod at them or just look at them..I don't respond lalo na't wala ako sa mood palagi"

Rule#5: Huwag kang sasakay kahit kanino, remember, si Manong Buno lang ang driver mo..so please…sa kanya ka lang magpapahatid.

Rule#6: Just ignore suitors. It is important! I don't want to link my name to anyone okay? 

Rule#7: The way you dress. If nasa workplace ka, don't wear something flashy, just be formal. And when going out, just wear a simple shirt and pants.

Rule#8: When Dorothy sees you, umiwas ka. She's my closest friend and alam kong makakahalata agad iyon if nagkausap kayo. I know her, and hindi siya mapapagkatiwalaan sa mga secrets. DO NOT FORGET.

Rule#9: Muntik ko nang malimutan!!! The SHRIMP….Don't eat that kasi alam ng lahat na allergic ako sa shrimp. Okay? 

And the last of all the major rules….

Rule#10: Sabihan mo ako kapag umuwi na sila dad and mom, if you don't want to die at a young age. OKAY??? (Well, it only happens when there's an urgent matter sa company so….behave! )

(Napabuntong-hininga si Miah matapos basahin ang lahat ng iyon sa phone nya)

"Alalahanin mo Miah ang ten commandments ng bago mong amo ha??? Pambihira….nakakalungkot naman kung hindi ako basta-basta makakakain" mahinang sabi niya sa sarili.

"Ma'am ayos ka lang? Mukhang kanina mo pa kausap ang sarili mo ah…may problema ba?" alalang tanong ni Manong Buno habang nagmamaneho.

"Unang araw pa lang kasi…parang papalpak na ang plano" explain ni Miah.

"Bakit, anong bang nangyari?"

"Sabi kasi ng masungit na Vrix na iyon na mamanmanan niya ako simula sa araw na ito. Iniisip ko kung paano ako kakalap ng impormasyon mula sa kanya gayong may pagdududa na siya sa akin" ani ng dalaga habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa bintana ng sasakyan.

"Mahirap talagang pakisamahan ang isang iyon kasi bukod sa masungit eh...minsan mo lang makakausap,kahit sa mansion, lalo na't laging nagkukulong iyon sa kwarto niya." 

"Ano kayang ibang paraan para makausap ko siya? Ano bang gusto niya?" napatanong si Miah kay Manong Buno habang umaasang may mapupulot siya dito.

"Yun ang hindi ko alam" agad namang sagot ni Manong.

"Pambihira…" nasambit ni Miah.

"Pero…alam ko ang mga ayaw niya"

** Sa mansyon ng mga Zhi **

Kakaakyat lang ni Miah sa second floor ng kanilang bahay, nadaanan niya ang kwarto ni Vrix na nakabukas. Naisipan niyang silipin ang loob nito at kunin ang pagkakataong makakalap ng kahit na anong impormasyon.

Napansin niyang tahimik lang ang loob kaya dire-diretso siyang pumasok habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Mukhang hindi mahilig sa ilaw ang kapatid ni Kiara," bulong niya sa sarili nang mapansin ang medyo madilim na ambiance ng silid.

Maluwang ang kwarto at halos minimalistic ang laman—walang gaanong gamit maliban sa isang maliit na cabinet at isang Japanese-style table lamp na nagbibigay ng mahina, mala-amber na liwanag. Sinubukan niyang halughugin ang cabinet ngunit wala siyang makitang kahit anong kapaki-pakinabang.

Bigla na lang siyang napatigil at napanganga nang bumungad sa kanya ang half-naked na si Vrix, nakatayo sa harap niya, halatang katatapos lang na maligo.

"What the hell are you doing in my room?" tanong nito, mababa ang boses at halatang iritado habang tumingin nang diretso sa kanya.

Natigilan si Miah.

 "Uh... A_akala ko kasi na walang tao dito," sagot niya, pilit ang ngiti habang palihim na inilalapit ang sarili sa pintuan.

"I didn't ask if you thought someone was here," sagot ni Vrix, lumapit ng isang hakbang.

 "I'm asking why you're here"

Nag-isip nang mabilis si Miah at nagkunwaring inosente. 

"Ang totoo kasi, hinahanap kita. At nagkataon na bukas ang pinto ng kwarto mo."

Nagsalubong ang kilay ni Vrix, at lumalim ang titig nito. 

"Kiara? Sa kwarto ko? Who told you to get inside without asking my permission?"

Napanganga si Miah, hindi alam ang isasagot. Ramdam niya ang bumibigat na tensyon sa pagitan nila. 

"Kung ganon…..lalabas na ako." ani niya, pilit na ngumiti at naglakad papalabas.

Ngunit bago pa siya tuluyang makaalis, hinarangan siya ni Vrix gamit ang braso.

"Wait.." aniya, ang boses puno ng pagdududa.

 "Why were you going through my stuff?"

Hindi na alam ni Miah kung paano ililigtas ang sarili. 

"Ah…ano kasi….ang ganda kasi ng setup ng room mo!"

Napakunot ng noo si Vrix. Halata sa mukha nito na hindi kumbinsido.

"Curious? Yeah, right. If I catch you sneaking around here again, you'll regret it." pabulong na sabi niya sa dalaga, making her creep out. Because of it, tila hindi maihakbang ni Miah ang kanyang dalawang paa ng mga sandaling iyon.

Natauhan lang siya nang bigla ulit nagsalita si Vrix. Nakasandal na siya ngayon sa pader ng kanyang kwarto.

"Just…..get out" halata sa boses nito ang kanyang panghihina na ikinagulat naman ni Miah. 

Ang takot na naramdaman niya kanina ay napalitan ng pag-aalala dahil unti-unti nang nanghihina ang binata sa mga sandaling iyon.

"V_Vrix, ayos ka lang? Anong nangyayari sa iyo?" nilapitan niya ito't inalalayan upang makaupo ng maayos sa kama nito.

"I_ said...just…get…out" pagpapaalis nito sa dalaga dahil ayaw niyang makita nito ang kalagayan niya sa mga sandaling iyon.

"Hindi Vrix, tatawagin ko lang ang mga yaya natin para madala ka sa hospital"

Ngunit bago pa siya makalayo, hinawakan ni Vrix ang kanyang kamay, mahigpit ngunit hindi marahas.

"Huwag." sabi nito, bahagyang pigil ang boses ngunit halatang nahihirapan.

Si Miah, bagama't nag-aalala, biglang napako ang kanyang tingin sa kamay ni Vrix na nakahawak sa kanya. Nang tingnan niya ito, ang atensyon niya ay biglang napunta sa katawan ng binata—kitang-kita ang matikas na dibdib at ang bahagyang kumikislap na pawis sa balat nito.

"Oh…." halos pabulong niyang nasabi, napalunok ng di oras. Hindi niya alam kung dahil ba sa kaba o sa pagkagulat sa nakita.

Nahimasmasan lang siya nang ituro ng binata ang cabinet na hinalughog niya kanina lang.

"Just get the pill box inside" sabi nito habang nahihirapan na siyang huminga.

"T_teka lang" agad niyang hinanap ito at iniabot kay Vrix. Habang binubuksan ito ng binata, agad naman siyang kumuha ng tubig sa bag niya.

"Eto, inumin mo na rin" inoffer niya ang tubig ngunit di ito tinanggap ng binata.

"I won't be drinking that" ani niya matapos lunukin ng buo ang isang pill.

"Tingnan mo ang isang ito, apaka arte rin" pabulong ng dalaga sa sarili habang pinagmamasdan ang binata.

After ilang minutes, umepekto na ang gamot sa binata. Napansin ng dalaga na medyo kakaiba ang pill na iyon at iilan na lang rin ang natitira.

"Are you happy seeing me like this?" biglang natanong ng binata sa kanya habang dahan-dahang sinasara ang pill box na kanyang hawak.

"Anong ibig mong sabihin?" natanong naman ng dalaga sa kanya.

"Stop acting like you really care Kiara" sabi ng binata while smirking.

"Bakit, masama ba iyon? Saka ano bang sakit mo? Bakit bigla ka na lang nanghihina?" tanong ng dalaga na punung puno pa rin ng katanungan ang kanyang isipan.

Pero imbis sagutin siya ng maayos ng binata, tumawa lang siya sa harapan nito.

"Huwag kang tumawa kasi hindi naman ako nagbibiro" inis na sabi ni Miah sa kapatid ni Kiara.

"Just don't get too excited Kiara. I won't die yet"

Napakunot naman ng noo ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. Nagkaroon tuloy siya ng pagdududa na baka may sakit nga na malubha ang binata.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.