Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 15: ALPHA MEETS BETA



Katatapos lang maligo ng dalaga after an hour.

"Miah, late ka na talaga. Magmadali ka nang kumain dyan, nakahanda na ang pagkain sa lamesa." sabi ng nanay ni Miah habang abala na rin sa pagpapakain sa kanyang asawa.

"Eto na po" tapos agad na siyang lumapit sa lamesa. Tiningnan niya muna kung ano ang ulam bago naupo.

"What is this?" curious niyang tanong bago tanggalin ang nakatakip na plato dito. Napatayo siya bigla nang makita ang mata ng piniritong isda na tila nakatingin pa sa kanya,

"Shooks! What the_" natigilan siya nang lapitan siya bigla ni Oreo.

"Ate, ba't ka nakatayo dyaan, hindi ka ba kakain?" tanong nito habang nagsasandok na ng kanin papunta sa sariling plato.

"Ah…h_hindi na dahil malelate na ako." tapos dali dali na siyang naghanda ng kanyang dadalhin bago tuluyang nagpaalam paalis.

Napabuntong hininga si Kiara at nag-isip isip. Unti-unti niya kasing narerealize na hindi pala magiging madali para sa kanya ang lahat dahil andami pang adjustments ang kailangan niyang gawin in order to fit in sa family ni Miah. Lalo na sa pagkain, she's been known kasi sa family niya as a picky eater kaya nga naghire ang daddy niya nang sarili nitong chef dahil hindi siya sanay na kumain ng mga lutong bahay lang na pagkain. 

"Kaya ko ito, it's just for a week okay? Magtiis ka Kiara.." bulong niya sa sarili.

Habang naglalakad siya, napansin niya ang magandang buhangin ng dagat. Sakto rin na maganda ang ihip ng hangin at hindi pa mainit sa mga oras na iyon. Dahil dito, naisipan niyang dumaan muna sa baybayin para langhapin ang preskong hangin mula sa paligid. 

"This place is a paradise." nasambit niya habang nilalaru-laro ng kanyang mga paa ang maputi at pinong buhangin.

Inilibot niya ang paningin sa paligid, bukod kasi sa matahimik ang lugar na iyon ay malinis din ang paligid nito. Halatang inaalagaang mabuti ng mamamayan ang isla kaya di na rin nakakapagtaka kung bakit dinadayo ito ng mga turista.

"Uy, may upuan" nasambit niya nang mapansin ang isang upuan malapit sa lilim ng puno. Naisipan niyang ilipat ito nang mas malapit, sa gilid lang rin ng daanan.

"Perfect!" masayang sabi nito nang makaupo na't makasandig sa upuan. She even took her phone para kunan ng litrato ang sarili. 

Matapos ang ilang minutong pagpicture niya sa sarili at sa dagat, sumagi sa isipan niya ang flower shop.

"I'm screwed, sabi pa naman ni Miah na masungit ang amo niya. Lagot talaga ako nito" she murmured habang nagmamadali nang lumakad patungo sa shop. Mabuti na lang at wala pa rin doon ang kanyang amo kasi sarado pa ito.

"I think Miah forgot to give me her keys, paano ako makakapasok nito ngayon?" sabi niya habang hinahalughog ang sling bag na dala niya.

Dahil dito, napagdesisyunan niya na lang na hintayin ang kanyang amo. Ibinaling na muna niya ang kanyang tingin sa dagat pati na rin sa mga turistang nagsisidatingan na rin sa lugar. 

Lumipas ang 30 minutes na paghihintay, nabagot na rin ang dalaga.

"Is this for real? What's taking him so long?" tanong niya habang tinitingnan ang oras sa kanyang phone.

Ilang saglit pa, nakarinig siya ng pag-uusap ng dalawang turistang babae sa harapan niya.

"Hala, 'yung bulag....nadapa!" 

Dahil dito, nabaling ang kanyang tingin sa binata na nadapa nga dahil sa pagkakasapid nito sa upuan na iniurong ng dalaga kanina lang. 

Agad namang nilapitan ng dalaga si Tob para tulungan sana.

"Tae! sino bang tao na makitid ang utak ang naglagay ng upuan dito?" he murmured matapos tumayo habang pinapagpag ang damit na nadikitan ng buhangin. 

And because Kiara is guilty, iniabot nito sa binata ang stick na laging niyang dala-dala.

"Was it you?" makikita sa expression ng binata ang pagkainis.

"A_ah..pasensya na po sir" Kiara said while trying to mimic Miah's voice.

"Miah?"

"Y_yes po?" sagot naman niya without knowing na he's her boss.

He sighed while trying to calm down.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mong ililipat itong upuan dito, can't you see? I'm blind" he said bago kapain ulit ang upuan para ilipat sa dati nitong pwesto.

Nagbilang ang binata ng ilang hakbang mula sa puno paharap tapos iilang hakbang rin papuntang gilid. Iniwan niya doon ang stick bago bumalik sa kinalalagyan ng kanyang upuan.

"Sir, do you need some help?" tanong ng dalaga matapos lapitan ang binata.

"No need na, bumalik ka na sa flower shop at baka may mga customers nang naghihintay doon" sambit ng binata habang abala sa kanyang ginagawa.

Doon lang napagtanto ng dalaga na siya pala ang magiging amo n'ya. Tiningnan niya ito ng mabuti to compare Miah's description…natatandaan pa nga niya ang mga sinabi ng dalaga eh.

(flashback)

"So how would I know if he's my boss, I mean… can you describe him for me?" tanong ni Kiara while looking at Miah.

"Naku Kiara, wala namang ibang lalaking matangkad doon na matipuno ang pangangatawan, perpektong hugis ang mukha, mapupungay na mga mata, matangos ang ilong, tapos iyong labi niya….natural na mapula." papikit pikit pang pagdedescribe nito sa binata.

"Hindi naman halatang crush mo ang taong iyon noh?" 

"Hindi. Nagtanong ka di ba? Nilalarawan ko lang ang masungit kong amo"

"Okay, so in other words, he's a good looking guy?" Kiara being curious about her boss.

"Oo, eto na lang…para mas madali mo siyang makilala, siya lang naman ang gwapong bulag sa Isla namin."

"He's blind?" gulat na tanong ni Kiara sa dalaga.

Tumango naman ito sa kanya.

(end of flashback)

"Siya nga iyon" mahinang sabi ni Kiara sa sarili nang maisa-isa niyang maalala ang sinabi ni Miah.

"Hey, Miah…are you listening?" tanong ng binata nang maramdaman pa ring nakatayo lang ang dalaga sa harapan niya.

"Ah…opo, ang kaso lang po kasi…..I lost my keys, may spare keys ka ba?" tanong ng dalaga sa binata.

Napatigil saglit ang binata sa kanyang ginagawa.

"Wait….. I noticed na parang iba ang boses mo ngayon Miah"

Nanlaki naman ang mga mata ni Kiara nang mapansin agad ito ng binata.

"Ah….p_pasensya na po sir, may ubo po kasi ako kaya ganon" tapos nagkunwari siyang umubo para mapaniwala ang binata. Tiningnan naman niya ang reaksyon ng binata na hindi na umiimik.

"Sir, sorry kung naabala pa kita. Pero kailangan ko po 'yung susi sana" mahinang sambit ng dalaga.

"You….kung may sakit ka, di ka na sana pumasok. You should take care of yourself more kasi I know na kailangan ka pa ng pamilya mo" alalang sabi ng binata sa kanya.

"K_kaya ko pa naman po sir eh, ubo lang naman ito" tapos umubu-ubo ulit siya.

He sighed.

"Before I give you my keys, you need to go with me first" tapos naglakad na ang binata habang hawak ang customized stick niya.

"Saan po sir?" curious namang tanong ng dalaga.

"Just follow me" sagot ng binata sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas, nasa harapan na sila ng lumang bahay ng mga Fuente. 

"Is this his house? Why he's bringing me here?" tanong ng dalaga sa sarili.

Binuksan ng binata ang pinto at binuksan niya ang mga ilaw sa loob ng bahay.

"Maupo ka muna dyan sa sofa and wait me here" sabi nito habang papunta na sa kusina.

Sinunod naman ng dalaga ang sinabi nito. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng bahay hanggang sa mapansin niya ang isang napakalaking larawan na nakasabit sa dingding nito. Isa itong family portrait kung saan makikita niya ang mukha ng magkakapatid at mga magulang nito.

"Wait…..parang familiar ang mukha ng kapatid niya ah" bulong nito sa sarili habang tinititigan ang mukha ni George na katabi lang rin ni Tob sa portrait.

Tapos tiningnan niya ang iba pang larawan na nakasabit lang rin sa dingding ng bahay. Hanggang sa maalala niya kung sino ang taong tinititigan niya kanina pa.

"It's George Fuente, am I right? so does it mean na siya si…" tapos nakita niya ang graduation picture ni Tob na may nakasulat na pangalan niya sa ibaba.

"Tobias Fuente….tama….wait….what?!" bulalas niya.

She didn't expect rin naman kasi na ang magiging amo niya at makakasama niya buong linggo sa Isla ay ang lalaking gustung-gustong ipakasal ng daddy niya sa kanya. 

"Are you okay?" tanong ng binata sa dalaga nang marinig ito. He's also bringing with him a cup.

"Y_yes" dahil dito, napaubo ang dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang taong iniiwasan niyang makita noon ay kaharap na niya ngayon.

"Eto oh, inumin mo para mawala ang ubo mo. Turmeric iyan" sabi ng binata tapos dahan-dahan niyang iniabot sa dalaga.

"S_salamat" tanging sambit ng dalaga.

"Be careful, medyo mainit pa iyan" 

Dahil dito, even if Kiara don't really like the taste of it, napilitan siyang inumin ito.

"By the way, malapit na ang Flowers and Music Nights…handa ka na ba? Anong preparations ang ginagawa mo this time?" biglang natanong ng binata sa kanya.

Nabanggit rin iyon ni Miah sa kanya kaya she had an idea kung ano ang magiging set up ng pakulo nila.

"May naisip na po akong theme kaya siguro, kailangan ko nang magorder ng iba't-ibang bulaklak na babagay dito" she said.

"May I know what's the theme this coming Friday?"

"Enchanted Island"

Nang marinig ito nang binata, tumango-tango ito.

"Good. I like it. So….tuloy talaga ang pagkanta ko?" he asked with a face na medyo nagdadalawang isip pa.

"Di ako ang magdedecide n'yan sir pero naniniwala akong kaya mo iyan" she said trying to boost his confidence.

Matagal bago muling nakapagsalita ang binata, tila nag-isip pa ng tamang sagot.

"Thank you. Ikaw pa lang ang unang nakapagsabi nang ganyan sa akin. I really appreciate it," aniya, sabay ngiti—isang ngiting may halong saya at pasasalamat.

Ngunit bago pa man tuluyang lumambot ang damdamin ng dalaga, bigla itong sumingit.

"Sir… alam ko kung ano ang ulam mo kanina" sabi nito na may bahagyang pilyong ngiti.

Nagtaas ng kilay ang binata, halatang nagtataka. 

"What? Ano naman 'yun?"

"Damo! May green pa kasi sa ngipin mo," banat ng dalaga na walang kaabog-abog, sabay tawa.

Napatigil ang binata, bahagyang napakunot ang noo, ngunit agad ding sumakay sa biro. 

"Baliw ka talaga. Anong tingin mo sa akin, baka? At FYI, stir-fried water spinach 'yun! Masarap kasi, lalo na't magaling ang pagkakaluto. Binigyan ako ng kapitbahay namin kanina," sagot niya habang pinipilit magpaliwanag, ngunit hindi maitanggi ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ahhh… so confirmed! Certified plant eater ka pala," panunukso ulit ng dalaga, hindi pa rin mapigilan ang pang-aasar.

Napailing na lang ang binata, ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang mapangiti. Sa simpleng biruan, tila gumaan ang paligid, na parang saglit nilang nakalimutan ang bigat ng mundo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.