Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 11: SHADOWS OF KINSHIP



Sa ilalim ng liwanag ng mga ilaw, isang makisig na lalaki ang lumalangoy sa malinaw na tubig ng kanilang pool sa mansyon. Ang kanyang katawan ay hinubog ng oras sa gym at kumikinang sa bawat patak ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang mga balikat.

Biglang naputol ang kanyang pagninilay-nilay nang marinig niya ang tinig ng kanyang personal assistant mula sa gilid ng pool.

"Sir Vrix, may problema po tungkol sa inyong kapatid." 

Bahagya siyang lumingon, ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig ngunit alerto. Tumigil siya sa paglangoy, hinawi ang buhok pabalik gamit ang isang kamay, at umakyat mula sa pool nang walang pagmamadali.

"Who? Aga?" he asked nang abutin ang tuwalya at punasan ang basang buhok.

"Tama po kayo sir" pagsang-ayon nito habang nakayuko ng bahagya ang kanyang ulo.

"Where is he?" tanong niya in a cold tone of voice.

"Nasa club daw po't lasing na naman" tiningnan ng PA niya ang reaksyon ng binata. Nanatili lang itong nakapoker face.

"Who said it?" 

"Yung may-ari po ng club"

"Okay, bring me there" he said habang papasok na sa kanilang mansion para magbihis.

Sa club…

Medyo madilim at maingay sa loob kaya nahirapan ang binata na hanapin sa loob ang kapatid.

"Are you sure that he's here?" pasigaw na tanong ng binata sa kasama niya dahil sa lakas ng tugtog sa loob.

"Opo sir, teka….ayun po siya oh" tinuro niya si Aga nang makita itong nakahiga na sa sahig at tila ba'y nakatulog na.

Nilapitan niya ang dalawang babaeng kasama nito upang tanungin dahil napansin ng binata na putok ang labi ng kanyang kapatid.

"What happened?" tiningnan niya ang mga babae na may halong inis na siya namang kinatakutan ng mga ito.

"Si….Lyle po. Nagkainitan silang dalawa kanina kaya nabugbog po si sir Aga" utal-utal pang paliwanag nung babaeng pula ang suot na wig.

Dahil sa inis, walang anu-ano'y nilapitan niya ang tinutukoy nung babae. Kasama nito ang tatlo pa niyang mga barkada na masayang nagkukwentuhan at nag-iinuman na parang wala lang sa kanila ang nangyari kanina.

"Uno.." tawag ng isang kaibigan ni Lyle nang mapansin si Vrix na nakatayo na sa likod niya.

"Bakit?" tanong naman nito sa kaibigan.

Sinenyasan niyang may tao sa likuran niya. Hindi pa man lubusang nakakaharap ang binata kay Vrix, bumungad na sa kanyang mukha ang kamao nito na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.

"Ah…" iling nito habang namimilipit sa sakit.

"Hey! bakit mo siya sinuntok? Ano bang problema mo?" galit na tanong nung kausap ni Lyle kanina lang.

Tiningnan lang sila ng binata, iyong titig na emotionless.

"May sayad ata itong tao na ito" sabi nung isa pa nilang kaibigan na papasugod na sa binata. 

Inilagan lang ni Vrix ang pabwelong pagsuntok nito sa kanya kaya sumubsob ito sa may lamesa. Lumapit naman 'yung kasama nilang malaki rin ang katawan pero agad ding pinatulog ng binata nang hampasin ang ulo nito ng bote ng alak.

"A_anong kasalanan ko sa iyo?" natanong ni Lyle matapos piliting makatayo habang himas pa rin ang nasuntok na mukha.

"Not on me but to him" tinuro niya ang kapatid na nasa sahig pa rin.

"That crap? he's at fault kaya ko siya binugbog and dapat lang iyon sa kanya!" inis na sagot naman ng binata dito.

"Bakit, what did he do?" ang kanyang boses ay mababa, iyong parang nagtatapon lang ng salita kaysa talagang naghahanap ng kasagutan.

"That stupid has courted my sister while cheating on his girlfriend! Alam mo ba iyon?" gigil na sambit nito habang kinamumuhiang tiningnan si Aga.

Dahil sa narinig, kalmadong naglabas ng pitaka ang binata at inihagis sa harapang lamesa ang kanyang calling card at libu-libong pera. 

"Ano ito?" Lyle asked.

"You know what that means" tipid na saad nito bago tumalikod at inalalayan ang kapatid.

Hindi na umimik pa ang binata ng mabasa at malaman ang pangalan ng kausap niya. 

Sa mansion…. 

"Everything…..you're currently doing is the past that you'll be talking about in your future...Everything that…..yes, that's stupidity!" paulit-ulit na sinabi ni Aga habang nakaalalay sa kanya ang PA ni Vrix.

"Oh, anong nangyari dyan?" agad namang tanong ng mommy ni Kiara nang makita ito.

"Lasing po kaya nakahanap ng away sa loob ng club" paliwanag naman ng PA ni Vrix. 

Hindi na nakisali sa usapan ang binata dahil may biglang tumawag sa kanya. Nang tumingin siya sa screen ng kanyang cellphone, agad niyang nakita ang pangalan ng tumatawag. Napasimangot siya, ngunit walang pag-aalinlangan na tumayo at lumabas para sagutin ito

"What is it now? Didn't I tell you not to call me when I'm at home?" The irritation in his tone was undeniable, yet there was a subtle tension beneath it.

"Nagsisimula na namang kumilos ang Midnight Enigma" sabi sa kabilang linya na may halong pagkabahala.

"Midnight Enigma? How did_" biglang naputol ang kanilang usapan ng magsalita mula sa likod niya si Kiara.

"Did I heard it right?" tanong nito sa kapatid na medyo nagulat dahil sa biglaang pagsulpot n'ya.

"Are you seriously butting in on our conversation right now?" nakaekis na kilay'ng tanong ng binata sa dalaga.

Ngumiti naman ang dalaga sa kanya, hiding her intentions.

"Relax…bakit ka praning? Napadaan lang ako and I happened to hear you saying Midnight Enigma. Anong meron dyan sa intriguing words na iyan? Does it have something to do with our…family business, right?" she asked while being skeptical.

Tiningnan lang siya ng binata without saying anything.

"You know what? Iyan din ang expression mo when dad asked you why you let me answer the questions regarding on company issues noong nakaraang araw." Kiara in a disappointed face.

He just continue giving her a cold stare kaya umalis na lang ang dalaga. Mas lalo tuloy lumakas ang kutob ni Kiara na may kinalaman nga ang binata doon sa Forgotten Village na napuntahan nila.

Dahil dito, agad na nagtanong ang dalaga kay Miah patungkol sa Midnight Enigma na nabanggit ng kapatid niya.

Nagbigay naman ng kaonting impormasyon ang dalaga patungkol dito. Sinabi ni Miah na baka minamanmanan na rin sila ng grupong ito. Dagdag pa ng dalaga na may kaugnayan ang organisasyong ito sa Duran Steel Company, na sa pagkakaalam naman ni Kiara na isa rin ang kumpanyang ito sa mga nagbabalak na bilhin ang matagal nang pinag-aagawang lupa sa City Center.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.